Sumasayaw na Beijing
Ang Sumasayaw na Beijing ay pangalan ng opisyal na sagisag ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 na gaganapin sa Beijing sa Republikang Popular ng Tsina. Inilabas ito noong Agosto 2003 sa isang seremonya na pinagdadaluhan ng 2,008 katao sa Templo ng Langit sa Beijing.[1]
Ang sagisag ay naghuhulo ng iba't ibang elemento ng kulturang Tsino, na naglalarawan ng nakaugaliang pulang Tsinong tatak sa itaas ng mga salitang "Beijing 2008" at ang mga Singsing ng Olimpiko. Ang sagisag ay itinititik na may ma-estilong kaligrapong pagsasalin ng karakter na Tsino 京 (jing, nangangahulugang 'kabisera', mula sa pangalan ng punung-abalang lungsod) sa anyo ng pigura ng pagsasayaw.[1] Ang mga lantik ay may nagsabi bilang mungkahi na katawan ng isang kumikiwal-kiwal na dragong Tsino. Ang pagbubukas ng palad ng pigura ay sumasagisag ng paanyaya ng Tsina sa daigdig upang ibahagi ang kanilang kultura. Ang pigura ay nagmimistulang mananakbo na tumatawid sa linya ng pagtatapos. Pula, ang namamayaning kulay ng sagisag, ay isang mahalagang kulay ng pamayanang Tsino, na nangangahulugang suwerte.
Disenyo
baguhinAng logo ay nilikha ni Guo Chunning[2], pangalawang-pangulo ng Sabansaang Korporasyon ng Pagkakilanlang Armstrong ng Beijing (AICI). May isang tatak sa mga 1,985 lumahok na nag-ambag ng mga magdidisenyo mula sa Tsina at ibayong dagat. Ang mga lahok ay kabilang ang mga sangkatutak na Dakilang Dingding, mga panda at mga dragong Tsino.[3] Ang mga magdidisenyo ay kabilang si Chang Wu (張武).[4][5]
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 ABC news Australia
- ↑ "2008.qq.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-15. Nakuha noong 2008-08-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "English hanban.edu.cn". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-01. Nakuha noong 2008-08-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "torchrelay Kaifeng". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-29. Nakuha noong 2008-08-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ worldvolunteerweb.org