Sunan Abi Dawood
Ang Sunan Abu Dawood (Arabe: سنن أبي داود, romanisado: Sunan Abī Dāwūd) ay isa sa Kutub al-Sittah (anim na pangunahing koleksyon ng hadith), na kinolekta ni Abu Dawud al-Sijistani (namatay 889).[1]
May-akda | Abu Dawood |
---|---|
Orihinal na pamagat | سنن أبي داود |
Wika | Arabe |
Serye | Kutub al-Sittah |
Dyanra | koleksyong Hadith |
Paglalarawan
baguhinNakolekta ni Abu Dawood ang 500,000 hadith, subalit sinama lamang niya ang 4,800 sa koleksyon na ito. Tinatangi ng mga Sunni ang koleksyon na ito bilang ikaapat sa tibay ng kanilang anim na pangunahing koleksyon ng hadith. Umabot ng 20 taon ang pagkolekta ng mga hadith ni Abu Dawod. Gumawa siya ng serye ng mga paglalakbay upang punan ang karamihan sa pinakamahalagang makatradisyon ng kanyang panahon at kinuha ang mga ito sa pinakamaaasahang mga hadith, na binabanggit ang mga sanggunian sa pamamagitan ng mga makakaabot sa kanya. Yayamang nakolekta ng may-akda ang mga hadith na walang nakagawang pagsamahin, tinanggap ang kanyang mga sunan bilang pamantayang gawa ng mga iskolar mula sa maraming parte ng mundong Islamiko,[2] lalo na pagkatapos ng pagkasama ni Ibn al-Qaisarani nito sa pormal na kanonisasyon ng anim na pangunahing mga koleksyon.[3][4][5]
Nagsimula si Abu Dawood na maglakbay at kolektahin ang ahadeeth sa murang edad. Naglakbay siya sa maraming lugar sa gitnang silangan, kabilang ang Ehipto, Iraq at Sirya. Nag-aral din Abu Dawood sa ilalim ni Imam Ahmad Ibn Hanbal.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Jonathan A.C. Brown (2007), The Canonization of al-Bukhārī and Muslim: The Formation and Function of the Sunnī Ḥadīth Canon, p.10. Brill Publishers. ISBN 978-9004158399. Banggit sa Inges: "We can discern three strata of the Sunni hadith canon. The perennial core has been the Sahihayn. Beyond these two foundational classics, some fourth/tenth-century scholars refer to a four-book selection that adds the two Sunans of Abu Dawood (d. 275/889) and al-Nasa'i (d. 303/915). The Five Book canon, which is first noted in the sixth/twelfth century, incorporates the Jami' of al-Tirmidhi (d. 279/892). Finally the Six Book canon, which hails from the same period, adds either the Sunan of Ibn Majah (d. 273/887), the Sunan of al-Daraqutni (d. 385/995) or the Muwatta' of Malik b. Anas (d. 179/796). Later hadith compendia often included other collections as well.' None of these books, however, has enjoyed the esteem of al-Bukhari's and Muslim's works."
- ↑ "Various Issues About Hadiths". www.abc.se (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-16. Nakuha noong 2021-07-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ignác Goldziher, Muslim Studies, bol. 2, p. 240. Halle, 1889-1890. ISBN 0-202-30778-6 (sa Ingles)
- ↑ Scott C. Lucas, Constructive Critics, Ḥadīth Literature, and the Articulation of Sunnī Islam, p. 106. Leiden: Brill Publishers, 2004 (sa Ingles).
- ↑ Ibn Khallikan's Biographical Dictionary, sinalin ni William McGuckin de Slane. Paris: Oriental Translation Fund of Great Britain and Ireland. Binibenta ng Institut de France at Royal Library of Belgium. Bol. 3, p. 5. (sa Ingles)
- ↑ "About - Sunan Abi Dawud - Sunnah.com - Sayings and Teachings of Prophet Muhammad (صلى الله عليه و سلم)". sunnah.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-05-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)