Tadhana (seryeng pantelebisyon)

Ang Tadhana ay isang antolohiyang dramang pantelebisyon mula sa Pilipinas na umeere sa GMA Network. Si Marian Rivera ang host nito at una itong lumabas noong 20 Mayo 2017. Umere din ito sa buong mundo noong 28 Mayo 2017 sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV at sa GMA News TV nooong 26 Mayo 2017. Nag-ii-stream din ito online sa YouTube.[1]

BalangkasBaguhin

Tinatampok ng palabas na ito ang mga kuwento ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong-dagat. Ipinapakita dito ang kanilang paghihirap at sakripsyo sa pagtratrabaho sa banyagang lugar, at ang pagkakahiwalay nila sa kanilang mahal sa buhay sa kabila ng kanilang hangarin ng magandang kinabukasan para sa kanilang mga minamahal.[2]

Mga sanggunianBaguhin

  1. "Tadhana Full Episodes". YouTube (sa Ingles). Kinuha noong 20 Setyembre 2019.
  2. "About Tadhana" (sa Ingles). Kinuha noong 17 Agosto 2018.