Panitikan

baguhin

Ang panitikan ay koleksyon ng mga akdang naisulat. Ito rin ay tumatalakay sa espisipikong porma ng sining lalo na sa mga akdang piksiyon tulad ng prosa, drama at mga tula. Ang kahulugan nito ay mas lumalawig na at sa paglipas ng panahon ay naisama na rin ang panitikang oral dito; na napagsasalin-salin sa bawat henerasyon. Ang panitikan ay isang paraan ng pagtatala, pagpapahalaga at pagbibigay ng kaalaman at libangan sa mga mambabasa. Naghahatid din ito ng mga impormasyon sa panlipunan, sikolohikal, ispiritwal at politikal na kalagayan.

Ang panitikan bilang isang sining ay tumatalakay rin sa mga akdang di-piksyon tulad ng talambuhay, talaarawan, personal na sanaysay, at mga liham. Sa kabila ng malawak nitong pagpapakahulugan, ang panitikan ay sumasaklaw sa mga libro, artikulo at iba pang mga akdang nakaimprenta na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.