Ang liham ay isang nakasulat na mensahe na ipinarating ng isang indibiduwal (o pangkat ng mga tao) sa isa pa sa pamamagitan ng isang midyum.[1] Nangangahulugan ang isang bagay na epistola na isang anyo ng pagsulat ng liham. Karaniwang hindi kasama sa katawagan ang nakasulat na materyal na nilalayon na basahin sa orihinal nitong anyo ng malaking bilang ng mga tao, tulad ng mga pahayagan at mga plakard, kahit na maaaring itong magsama ng materyal sa anyong "bukas na liham". Sa paglipas ng dantaon, karaniwang nasa anyong dahon (o ilang dahon) ng papel ang arketipong konsepto ng liham kahit ngayon, na ipinapadala sa isang tapagpapadala sa pamamagitan ng isang sistemang pangkoreo. Maaaring maging pormal o impormal ang liham, depende sa tatanggap at layunin nito. Bukod sa pagiging isang paraan ng komunikasyon at isang imbakan ng impormasyon, may ginampanan ang pagsulat ng liham sa reproduksyon ng kasulatan bilang isang sining sa buong kasaysayan. Ipinadala ang mga liham mula pa noong unang panahon at binanggit sa Iliada.[2] Binanggit at ginamit ng mga mananalaysay na sina Herodoto at Tusidides ang mga liham sa kanilang mga naisulat.[3]

News from My Lad ni James Campbell, 1858–1859 (Walker Art Gallery o Tanghalang Sining ni Walker)

Ang pangunahing layunin ng mga liham ay magpadala ng impormasyon, balita at pagbati. Para sa ilan, isang paraan ang mga liham upang magsanay ng kritikal na pagbabasa, pagpapahayag ng sarili na pagsulat, polemikong pagsulat at pakikipagpalitan din ng mga ideya sa iba na may katulad na pag-iisip. Bumubuo ng ilan sa mga aklat ng Bibliya ng mga sulat. Nagsisilbi pangunahing mapagkukunan para sa mga historyador ang mga sinupan ng sulat para sa personal, diplomatiko, o negosyong mga kadahilanan. Sa ilang mga oras, ang pagsulat ng mga liham ay naisip na isang anyo ng sining at isang uri ng panitikan, halimbawa sa epistolograpiyang Bisantino.

Liham ni Dario ang Dakila kay Gadatas, circa 500 BC.

Sa sinaunang daigdig, ang mga liham ay maaaring nakasulat sa iba't ibang materyales, kabilang ang metal, tingga, mga tapyas na kahoy na pinahiran ng pagkit, mga piraso ng palayok, balat ng hayop, at papiro. Mula kay Ovidio, nalaman natin na gumamit si Aconcio ng mansanas para sa kanyang liham kay Cidepe.[4] Kamakailan lamang, pangunahing naisulat ang mga liham sa papel: sulat-kamay at mas kamakailang nai-type o nai-tipa (sa makanilya o kompyuter).

Maraming liham at materyales sa pagtuturo (halimbawa, mga manwal, tulad ng sa medyebal na ars dictaminis) sa pagsulat ng liham sa buong kasaysayan. Ang pag-aaral ng pagsulat ng liham ay kadalasang kinabibilangan ng parehong pag-aaral ng retorika at balarila.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blake, Gary; Bly, Robert W. (1993). The Elements of Technical Writing (sa wikang Ingles). Macmillan Publishers. p. 125. ISBN 0020130856.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Homer, Iliad, 6. 167–70. (sa Griyego)
  3. Ebbeler, J. (2009). Rousseau, P. (pat.). A Companion to Late Antiquity (sa wikang Ingles). Chichester: Wiley-Blackwell. p. 270. ISBN 978-1-4051-1980-1.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ovid, Her. 20 (sa Latin)
  5. Carol Poster at Linda C. Mitchell, mga pat., Letter-Writing Manuals and Instruction from Antiquity to the Present (Columbia, SC: U of South Carolina Press, 2007). (sa Ingles)