Dario I ng Persiya

Si Dario I ang Dakila[1] (Ingles: Darius I the Great[2]; s. 549 BK - 486 BK/485 BK) ay ang anak ni Hystaspes, at Shah ng Iran at naghari mula 522 BK hanggang 485 BK. Matapos niyang maging Shah ng Iran, hinati niya ang Imperyong Persa (Persian) sa dalampu't-dalawang mga lalawigan at nagtalaga ng mga gobernador sa bawat lalawigan. Pinasimulan niya ang paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan sa loob at labas ng imperyo. Pinahintulutan ni Dario na muling itayo ng mga Hudyo ang Templo ni Solomon sa Herusalem. Marami rin siyang itinayong mga templo sa Ehipto. Pinakamalaki sa mga itinayo niyang gusali ang kapitolyo ng Persepolis, malapit sa Pasargadae. Namatay si Dario sa Persepolis. Hiniwa para maging isang batong-mukha ang kaniyang libingan, nilagay malapit sa Persepolis. Makaraan ang kaniyang pagsakabilang-buhay, si Jerjes ang naging Shah ng Iran.

Darius I
Hari ng mga Hari ng Persiya
PaghahariSetyembre 522 BCE hanggang
Oktubre 486 BCE (36 taon)
Buong pangalanDārayava(h)uš
Kapanganakan550 BCE
KamatayanOktubre 486 BCE
(mga 64 taong gulang)
PinaglibinganNaqsh-e Rustam, Iran
SinundanBardiya
KahaliliXerxes I
AsawaAtossa
SuplingArtobazan, Xerxes
DinastiyaAchaemenid Empire
AmaHystaspes
InaRhodogune
Mga paniniwalang relihiyosoZoroastrianism
Mapa na nagpapakita ng nasasakupan ng imperyo ni Darius I.
Isang kuwaltang ginto noong panahon ni Darius I (420 BC).

Paglalarawan

baguhin

Tinatawag din siyang Dario I (Darius I o Darius Hystaspis). Pinutungan siya ng korona ng pagkahari noong 521 BK/522 BK. Siya ang pinakaunang Oryental o Taga-Silangang mananakop na nakapagpaabot ng kaniyang imperyo sa Europa. Ginawa niyang isang magiting at makapangyarihang hukbong-pandagat sa Asya ang Persiya. Sinimulan at pinaunlad niya ang paggamit ng mga kuwaltang metal at pinagpare-pareho ang mga ito. Pinasimulan din niya ang regular na pangungolekta ng buwis, sistema ng mga daan, at maging ang sistema ng pagpapadala ng mga liham.[2]

Pinamahalaan ni Dario ang isang imperyo na umaabot mula sa Ilog Indus magpahanggang Dagat Aegean, kabilang ang Ehipto at Babilonya. Bilang paghahambing, hindi nakapaghari ng ganitong kalawak ang Asiria. Itinuturing na pinakamalaking imperyo na napagmasdan ng mundo ang Imperyo ng Persiya; bukod sa Ehipto at Babilonia, nasasakupan din nito ang Turkiya, Israel, Hordan, Lebanon, Siria, Irak, Apganistan, at bahagi ng Hilagang Pakistan.[2]

Pananampalataya at paniniwala

baguhin

Sinusunod ni Dario ang mga pagtuturo ni Zoroaster, isang propetang Persa (Persian). Itinuro ni Zoroaster na isang palagiang paglalaban ng diyos ng kabutihan (si Ahura-Mazda) at ng isang espiritung masama ang buhay; sinabi pa ng propeta na nararapat na pumanig sa kabutihan at sa katarungan ang isang marunong na tao, na nangangahulugang dapat panatilihin ng isang pinuno - katulad ni Dario - ang kapayapaan at kaayusan sa kaniyang mga nasasakupan. Dahil sa kaniyang paniniwala kay Ahura-Mazda at sa Zoroastriyanismo, binigyan ni Dario ng sapat na kalayaan ang kaniyang mga mamamayang pinaghaharian basta't mananatili silang mapayapa. Nakapapamuhay ang mga mamamayang ito ng pribado at hindi pinakikialaman ng lubos habang kinikilalang nilang "hari ng mga hari" si Dario, at patuloy ang pagbabayad nila ng buwis.[2]

Pamamaraan at pamamalakad

baguhin

Upang masegurong regular ang pagbabayad ng buwis ng mga mamamayan, naglagay si Dario ng mga gobernador sa bawat distrito ng imperyo; at nagtalaga naman siya ng mga sarili niyang "mata at tainga" (mga tagapagmasid) upang pagmanmanan o tiktikan ang mga gubernador na itinilaga niya.[2]

Transportasyon at komunikasyon

baguhin

Naglatag ng mga daan ang mga Persa (Persian) sa pagitan ng mga pangunahing lungsod ng imperyo. Nagkaroon ng mga estasyong hintuan at pamahingahan kada 14 na milya kung saan mayroong mga gusaling tulugan at mga himpilang-kuwadra ng mga kabayo. Nagpapalit ng mga kabayo ang mga mensahero sa bawat himpilan upang makapaglakbay sila ng mas malalayong distansiya sa lalong mabilis na panahon. Sa loob ng dalawang linggo, nakapaghahatid sila ng isang liham kahit na mga 1,500 milya ang kahabaang-sukat ng paglalakbay.[2]

Sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Dario, Darius, ayon sa pagpapakilala ng Aklat ni Ageo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Darius the Great". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

baguhin
  • Darius I the Great, sa Livius.org
  • Brosius, M: Women in Ancient Persia, 559-331 BC, Clarendon Press, Oxford, 1998.
  • Farrokh, Kaveh (2007). Shadows in the Desert: Ancient Persia at War. Osprey Publishing. ISBN 1-84603-108-7.