Tagagamit:Leeheonjin/Sandbox/Korea
CHOI SIWON
Siwon | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Choi Si-won |
Kapanganakan | [1] Seoul, Timog Korea | 10 Pebrero 1987
Pinagmulan | Seoul, Timog Korea |
Genre | K-pop, mandopop, dance, hip-hop, R&B |
Trabaho | Mang-aawit, artista, mananayaw, modelo |
Instrumento | tinig, tambol, piano, gitara |
Taong aktibo | 2003–present |
Label | SM Entertainment |
Website | http://www.choisiwon.com |
Korean name | |
Hangul | 최시원 |
---|---|
Hanja | 崔始源 |
Binagong Romanisasyon | Choe Si-won |
McCune–Reischauer | Ch'oe Siwŏn |
Si Choi Si-won (Koreano: 최시원; Hanja: 崔始源; ipinanganak noong Abril 7, 1986 ngunit opisyal na itinala bilang Pebrero 10, 1987), na mas kilala rin bilang Siwon (Koreano: 시원; Hanja: 始源), ay isang mang-aawit, mananayaw, at modelo na taga Timog Korea. Kinikilala siya bilang kasapi ng bandang K-pop na Super Junior at ng sub-grupo nitong Super Junior-M. Isa siya sa mga apat na artistang Timog Koreano na lumitaw sa tatak pangliham na Tsino.[2]
Talambuhay
baguhinPre-debut
baguhinMayroong nakababatang kapatid na babae si Siwon - si Jiwon. Kasalukuyang CEO ang kanyang ama ng Boryung Medience, isang kumpanyang parmasyutiko.[3] Nakapagtapos siya sa Gu Jeong High School noong Pebrero 2006. Debotong Protestanteng Kristyano si Siwon, tulad ng binanggit niya sa isang panayam na sa pagtapos ng kanyang karera, nais niyang maging isang misyonaryo.[4]
Namataan si Siwon ng isang ahenteng pang-talento mula sa SM Entertainment noong 16 taong gulang pa lamang siya habang hinihintay niya ang kanyang mga kaibigan sa harap ng kanilang paaralang pang-mataasan. Inirekomenda sa kanya ng ahente na mag-awdisyon para sa Starlight Casting System ng naturang kumpanya. Nag-awdisyon siya nang walang pahintulot mula sa kanyang mga magulang; napaalalahanan naman ang kanyang mga magulang pagkatapos niyang pumasa sa mga awdisyon. Baga ma't pinayagan siya ng mga magulang niya na pumirma ng kontrata sa SM Entertainment, hindi siya binigyan ng ano mang tulong dahil sa pagnanais nilang akuin ni Siwon ang mga responsibilidad niya sa kanyang mga gawain..[5]
- ↑ "Super Junior Official Website".
- ↑ "Super Junior-M to appear on postage stamps". Newsen (sa wikang Koreano). 2008-12-08. p. 1. Nakuha noong 2008-12-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Siwon's father identified as a CEO". Allkpop. 2011-01-04. Nakuha noong 2011-12-13.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ CNN's Talk Asia interview
- ↑ An episode of Behind Story