Takoyaki

pampagana sa lutuing Hapones

Ang takoyaki (Hapones: たこ焼き o 蛸焼) ay isang hugis-bolang meryenda mula sa Hapon na gawa sa batidong de-harinang trigo at iniluluto sa isang espesyal na hinulmang kawali. Karaniwan itong pinupuno n tinadtad na pugita (tako), mumo ng tempura (tenkasu), inatsarang luya (beni shoga), at berdeng sibuyas (negi).[1][2] Pinapahiran ang mga bola ng sarsang takoyaki (kahawig ng sarsang Worcestershire) at mayonesa, at pagkatapos ay binubudburan ng aonori at mga pinagkataman ng pinatuyong katsot (katsuobushi).

Takoyaki
Isang plato ng takoyaki
KursoMeryenda
LugarHapon
Rehiyon o bansaOsaka
Pangunahing SangkapBatido, pugita, mumo ng tempura (tenkasu), inatsarang luya (beni shoga), berdeng sibuyas, sarsang takoyaki (na may mayonesa), aonori
BaryasyonLutuing Taywanes

Nagmula ang yaki sa yaku (焼く), na isa sa mga paraan ng pagluluto sa lutuing Hapones, na may kahulugang 'ihawin', at makikita sa mga pangalan ng iba pang mga pagkain sa lutuing Hapones tulad ng okonomiyaki at ikayaki (iba pang sikat na pagkain sa Osaka).[3] Kadalasan, minemeryenda ito, ngunit sa ilang mga lugar inihahain ito bilang pamutat kasabay ng kanin. Isa itong halimbawa ng konamono (konamon sa diyalektong Kansai), o de-harinang lutuing Hapones.

Kasaysayan

baguhin

Unang pinasikat ang takoyaki sa Osaka,[4] kung saan kinilala ang isang maglalako na si Tomekichi Endo sa pag-imbento nito noong 1935. Hinango ang takoyaki mula sa akashiyaki, isang maliit at bilog na dumpling mula sa lungsod ng Akashi sa Prepektura ng Hyōgo na gawa sa de-itlog na batido at pugita.[5] Noong una, popular lang ang takoyaki sa rehiyon ng Kansai, at kalaunang kumalat sa rehiyon ng Kantō at iba pang bahagi ng Hapon. Nauugnay ang takoyaki sa mga yatai o tindahan ng pagkaing kalye, at may maraming matatatag na takoyakihan, lalo na sa rehiyon ng Kansai. Ibinebenta na ngayon ang takoyaki sa mga komersyal na tindahan, tulad ng mga supermarket at gising 24 oras na convenience store.[6]

Sikat din ito sa lutuing Taywanes dahil sa makasaysayang impluwensiya ng kulturang Hapones.[7]

 
Pangunahing Sangay ng Aizuya sa Osaka, Hapon

Nasa Osaka ang pinakalumang takoyakihan na may pangalang Aizuya(会津屋). Itinatag ni Tomakichi Endo, nakabukas ito mula noong d. 1930. Sinangkapan ng baka at konjac ang unang bersiyon ng takoyaki, ngunit kalaunang pinalitan ni Endo sa paggamit ng pugita, na tradisyonal ngayon, at nagdagdag ng lasa sa batido. Nilalagyan ang takoyaki ng sarsang moreno na magkahawig sa sarsang Worcestershire. Sa mga nagdaang taon, sinasahugan ang takoyaki ng mga iba't ibang pagkain at palaman (tulad ng keso o bacon[8]) habang lumalago ito sa mga kanluluraning bahagi ng mundo. Kilala rin sa pangalang "bolang pugita", mabilis na naging tanyag sa buong Hapon ang pagkaing ito.[9][10]

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "蛸焼" [Takoyaki]. Dijitaru daijisen (sa wikang Hapones). Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2012-06-22.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Takoyaki". Encyclopedia of Japan. Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2012-06-22.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Takiyaki, the great street snack". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-01. Nakuha noong 2009-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "蛸焼" [Takoyaki]. Nihon Kokugo Daijiten (sa wikang Hapones). Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2012-06-17.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Takoyaki - Icon of Osaka" [Takoyaki - Ikono ng Osaka] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-25. Nakuha noong 2009-10-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Takoyaki | food | Culture | Japan Dream Tours" [Takoyaki | pagkain | Kultura | Japan Dream Tours]. japandreamtours.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-16. Nakuha noong 2019-10-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "In Taiwan, top chefs are building on a long history of culinary exchange with Japan" [Sa Taywan, nagtatayo sa mahabang kasaysayan ng pagpapalitan ng pagkain sa Hapon] Naka-arkibo 2018-08-04 sa Wayback Machine., The Japan Times (sa wikang Ingles). Retrieved 2018-02-28.
  8. Chen, Namiko (2016-12-05). "Takoyaki Recipe (Video) たこ焼き" [Resipi ng Takoyaki (Bidyo) たこ焼き]. Just One Cookbook (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-07-14. Nakuha noong 2022-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "【飲食籽】快閃大阪 嘆米芝蓮章魚燒". Apple Daily 蘋果日報. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-09-25. Nakuha noong 2019-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "可愛章魚小丸子". 太陽報 (sa wikang Tsino). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-08. Nakuha noong 2019-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)