Ang Talaang Ginto [1], na kilala rin sa tawag na Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula Gantimpalang Tamayo ay isang taunang gantimpala na pampanitikan para sa kategorya ng panulaang Pilipino . Layunin nitong pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at mga bagong manunulat sa bansa. Ang Talaang Ginto ay marahil ang pinakamatagal na patimpalak para sa panitikan na pinamamahalaan ng estado, na sinimulan noong 1963 ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang Surian ay sunod na pinalitan ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 1991.[2] Ang Komisyon ang namamahala sa paligsahan sa kasalukuyan.

Talaang Ginto
BansaPilipinas
Unang gantimpala1963

Kasaysayan

baguhin

Sa loob ng 25 taon, mula 1984, ang paligsahan ay sinuportahan ng Jorge Collantes Foundation, na nagbigay sa gantimpala ng isa pang pangalan nito, ang Gantimpalang Collantes.[3] Noong 2009, pumalit ang Tamayo Foundation at pinalitan ang pangalan ng Gantimpalang Tamayo.

Ang Talaang Ginto ay nagbibigay taun-taon ng anim na parangal para sa kategorya ng panulaan sa wikang Filipino; tatlong pangunahing gantimpala at tatlong marangal na pagbanggit. Ang tatanggap ng unang gantimpala ay awtomatikong itinatanghal bilang "Makata ng Taon", at naghahatid siya ng tugon o maikling pananalita sa seremonya ng paggawad.

Ang Talaang Ginto ay ginaganap tuwing 2 Abril, bilang pagdiriwang sa kapanganakan ng pinakatanyag na makata ng Pilipinas na si Francisco Balagtas .

Mga Tinaguriang "Makata ng Taon"

baguhin

Ang mga lumahok ay maaaring manalo muli ng higit pa sa isang gantimpala sa magkaibang taon. Noong 1972, walang idinekalarang Makata ng Taon habang noong 1970 ay hindi ginanap ang patimpalak.[4][5]

Taon Manunulat
2020 Karl Ivan Dan V. Orit
2019 Michael Jude C. Tumamac
2018 Christian Jil R. Benitez
2017 Aldrin P. Pentero
2016 Mark Anthony S. Angeles
2015 Christian Ray P. Pilares
2014 Ezzard R. Gilbang
2013 Joselito Delos Reyes
2012 Alvin C. Ursua
2011 Louie Jon Agustin Sanchez
2010 David Michael M. San Juan
2009 Louie Jon Agustin Sanchez
2008 Reuel Molina Aguila
2007 Genaro Gojo Cruz
2006 Louie Jon Agustin Sanchez
2005 Jerry B. Gracio
2004 Genaro Gojo Cruz
2003 Nestor A. Barco
2002 Carlos Guevarra Payongayong
2001 Maribel G. Bagabaldo
2000 Eugene Y. Evasco
1999 Tomas F. Agulto
1998 Reynaldo A. Duque
1997 Tomas F. Agulto
1996 Ariel Dim. Borlongan
1995 Ariel Dim. Borlongan
1994 Niles D. Breis
1993 Cirilo F. Bautista
1992 Ruth Elynia S. Mabanglo
1991 Rowena F. Festin
1990 Ariel N. Valerio
1989 Lilia Quindoza Santiago
1988 Tomas F. Agulto
1987 Fidel D. Rillo. Jr.
1986 Mike L. Bigornia
1985 Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera
1984 Virgilio S. Almario
1983 Flor Condino Gonzales
1982 Pedro L. Ricarte
1981 Edmundo Libid
1980 Lamberto E. Antonio
1979 Jesus Manuel Santiago
1978 Jesus Manuel Santiago
1977 Galeny G. Topacio Manalaysay
1976 Teo T. Antonio
1975 Romulo A. Sandoval
1974 Isaias Villaflores
1973 Aurelio G. Angeles
1972 (Walang Idineklara)
1971 Ramon H. Belen
1970 (Hindi Ginanap)
1969 Rogelio G. Mangahas
1968 Victor S. Fernandez
1967 Celestino M. Vega
1966 Federico Licsi Espino
1965 Vict. V. dela Cruz
1964 Teo S. Baylen
1963 Bienvenido A. Ramos

Mga sanggunian

baguhin

 

  1. Mga Tuntunin ng Talaang Ginto 2008 sa wika.pbworks.com
  2. Tungkol sa Komisyon sa Wikang Filipino Naka-arkibo 2009-07-09 sa Wayback Machine. sa KWF Website
  3. Ferrer, Jesus E., patnugotn. Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula Gantimpalang Collantes (1999-2006). Manila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2009.
  4. MGA MAKATA NG TAON (1963 – 2006) ng Komisyon sa Wikang Filipino
  5. https://kalatasliteraryezine.wordpress.com/2013/03/20/paggagawad-ng-makata-ng-taon-tampok-sa-araw-ni-balagtas/

Mga kawing panlabas

baguhin