Talon ng Tinago
Ang Talon ng Tinago o mas kilala sa tawag na Tinago Falls ay isang talon na matatagpuan sa Lungsod ng Iligan, Lanao del Norte sa katimugang bahagi ng Pilipinas isla ng Mindanao.[1] Ito ang pangunahing atraksiyon para sa mga turista ng Iligan, ang lunsod ay kilala rin bilang “Lungsod na may Kahanga-hangang Talon”.
Talon ng Tinago | |
---|---|
Lokasyon | Iligan City, Mindanao, Philippines |
Uri | Talon |
Kabuuang taas | 73.152 m (240.0 tal) |
Bilang ng mga patak | 5 |
Pinakamataas na patak | 73.152 m (240.0 tal) |
Ang Tinago ay mula salitang "tinago", ang talon ay nakatago sa malalim na lambak.Tinatayang aabot sa limangdaang (500) baytang panaog kung lalakarin ang malikaw na daan patungong talon.
Ang talon ay mataas, at ang napakalamig nitong tubig na lumalagaslas ng napakaganda sa malalim at payapang hugis palangganang lawa na lumilitaw na parang kulay asul na lagoon. Sa ilalim ng talon mayroong maliit na kweba na maaring pasukin ng tao para pakingggan ang lagaslas ng tubig.
Alamat at etimolohiya
baguhinAyon sa alamat may isang maimpluwensya at makapangyarihang sultan na si Agok at ang kanyang asawa.Sila ay itinalaga ng kanilang nasasakupan para maging hari at reyna.Ngunit silay naging hambog at sila ay naging makasarili sa pamumuno ng kanilang kaharian.At nang magdalang tao ang reyna,isang diwata na nagpanggap na isang pulubi,humingi sya ng tulong sa reyna ngunit sa halip na tulungan siya ay tinanggihan at pinarusahan.Dahil dito isinumpa ng diwata na ang kanilang anak ay magiging pagit ngunit hindi ito pinansin at tuluyang pinalayas ng reyna ang diwata.
At naging pangit ang anak ng hari at reya.Sila ay nalungkot at nabigo, sa inaasahan nilang ang kanilang anak ay magiging kaibig-ibig katulad ng reyna.Itinago nila ang kanilang anak sa isang yungib para umiwas sa kahihiyan. Tin-ag ang ipinangalan nila sa kanilang anak,na ang ibig sabihin ay “nakatagong mukha”.Kanilang binibisita ang bata sa yungib para alagaan.
At nang lumaki ang bata,lumabas siya ng yungib at siya ay namangha sa kanyang nakita.At siya ay nakita ng isang diwatang nagsumpa sa kanyang mga magulang,inalok siya nito na babaguhin nito ang kanyang itsura sa isang dakila at marangyang kagandahan.Tinaggap niya ang alok at sIya ay naging “ Talon ng Tinago”.[2]
Heograpiya
baguhinAng Talon ng Tinago o mas kilala sa Tinago Falls ay matatagpuan sa malalalim na bangin ng Barangay Ditucalan,Lungsod ng Iligan.Ang talon ay tumatarak ng 240 talampakan (73 m) taas mula sa bangin.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Encila, Jet (29 Mayo 2008). "Mahulog sa Talon ng Tinago". Sun Star Davao. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-22. Nakuha noong 2008-10-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ang alamat ng Talon ng Tinago". Nakuha noong 2008-10-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan rin
baguhin8°09′33″N 124°11′09″E / 8.15917°N 124.18583°E
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.