Tammuz (kalendaryong Babilonyo)
Ang Tammuz ang buwan sa kalendaryong Babilonyo na ipinangalan sa isa sa mga panguanhing Diyos ng Babilonya na si Tammuz (Sumeryong Dumuzid, "anak na lalake ng buhay"). Maraming mga kalendaryo ang hinango mula sa Babilonyong Tammuz bilang buwan ng panahong tag-init kabilang ang Hebreong Buwan ng Tammuz sa Kalendaryong Hebreo na ika-10 buwan sa taong sibil at ika-4 na buwan sa taong eklesiastikal gayundin sa Kalendaryong Gregoriano sa wikang Arabe (تموز), Wikang Siriako (ܬܡܘܙ) at wikang Turko ("Temmuz").
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.