Kalendaryong Babilonyo
Ang kalendaryong Babilonyo ay isang kalendaryong lunisolar na may mga taong binubuo ng 12 taong lunar na ang bawat isa ay nagsisimula kapag ang isang bagong kresenteng buwan ay unang natatanaw ng mababa sa kanluraning horison sa paglubog ng araw at isang interkalaryong buwan na ipinasok gaya ng kinailangan ng atas. Ang kalendaryong ito ay batay sa nauna ritong kalendaryong Sumeryo (Ur III) a naingatan sa kalendaryong Umma ni Shulgi (ca. ika-21 siglo BCE).
Mga buwan
baguhinAng taon sa kalendaryong Babilonyo ay nagsisimula sa tagsibol at nahahati sa reš šatti "simula", mišil šatti "gitna", at kīt šatti "wakas ng taon". Ang pangalan para sa buwan ay arḫu (status constructus araḫ). Noong ika-6 siglo BCE noong pagkakatapon ng mga Hebreo sa Babilonya, ang mga pangalan ng mga buwan ng kalendaryong Babilonyo ay kinopya bilang mga pangalan ng buwan ng kalendaryong Hebreo. Ang mga pangalan ng mga buwan ng kalendaryong Babilonyo ay ginamit rin sa kalendaryong Aramaikong ginamit sa Iraq at the Levant.
Kalendaryong Babilonyo | ||||||
Panahon | Pangalan ng Buwan | Nangangasiwang Diyos | Tanda ng zodiac | Katumbas sa kalendaryong Hebreo | Katumbas sa kalendaryong Gregoriano | |
---|---|---|---|---|---|---|
Reš Šatti | 1 | Araḫ Nisānu
'buwan ng santuwaryo' |
Anu and Bel | KU (Aries) | Nisan | Marso/Abril |
2 | Araḫ Āru
'Buwan ng Toro' |
Ea | Iyar | Abril Mayo | ||
3 | Araḫ Simanu | Sin | BI(KAŠ) (Gemini) | Sivan | Mayo/Hunyo | |
4 | Araḫ Dumuzu
'Buwan ng Tammuz' |
Tammuz | Tammuz | Hunyo/Hulyo | ||
Mišil Šatti | 5 | Araḫ Abu | āru (Leo) | Av | Hulyo/Agosto | |
6 | Araḫ Ulūlu | Ishtar | (Virgo) | Elul | Agosto/Setyembre | |
7 | Araḫ Tišritum
'buwan ng pasimula' (i.e. simula ng ika-2 kalahating taon) |
Shamash | (Libra) | Tishrei | Setyembre/Oktubre | |
8 | Araḫ Samna
'buwan ng paglalagay ng mga pundasyon' |
Marduk | (Scorpio) | Cheshvan | October/November | |
Kīt Šatti | 9 | Araḫ Kislimu | Nergal | (Sagittarius) | Kislev | Nobyembre/Disyembre |
10 | Araḫ Ṭebētum
'buwan ng paparating na tubig' |
Pap-sukkal | saḫ 'ibex' (Capricorn?) | Disyembre/Enero | ||
11 | Araḫ Šabaṭu | qā (Aquarius?) | Shevat | Enero/Pebrero | ||
12 | Araḫ Addaru ~ Araḫ Adār
'buwan ng Adar' |
Erra | (Pisces) | Adar | Pebrero/Marso | |
Interkalaryo | 13 | Araḫ Makaruša Addari ~ Araḫ Ve-Adār | Ashur | maliban sa taong 17 ng 19 taong siklo kapag ang buwang interkalaryo ay pagkatapos ng Araḫ Ulūlu. |
Mga araw
baguhinSa pagbibilang nila mula sa bagong buwan, ipinagdiriwang ng mga Babilonyo ang bawat ikapitong araw bilang isang "banal na raw" na tinatawag ring "masamang araw" na nangangahulugang hindi angkop para sa mga ipinagbabawal na mga gawain. Sa mga araw na ito, ang mga opisyal na Babilonyo ay ipinagbabawal mula sa pagsasagawa ng mga iba't ibang gawain at ang mga karaniwang tao ay ipinagbabawal na magkaroon ng kahilingan. Ang ika-28 araw ay kilala bilang "araw ng pahinga". Sa bawat mga araw na ito, gumagawa sila ng paghahandog sa mga iba't ibang mga Diyos at Diyosa sa paglubog ng gabi upang maiwasan ang mga pagbabawal. Si Merodach at Ishtar ay hinahandugan tuwing ika-7 araw, sina Ninlil at Nergal tuwing ika-14, sina Sin at Shamash tuwing ika-21 at sina Enki at Mah tuwing ika-28. .
Sa mga teoriyang isinulong hinggil sa pinagmulan ng Shabbat sa Hudaismo, isinulong ng Universal Jewish Encyclopedia ang teoriya ng tulad ng Asiryologong si Friedrich Delitzsch[1] na ang Shabbat ay orihinal na lumitaw mula sa siklong pangbuwan[2][3] na naglalaman ng apat na linggo na nagtatapos sa Shabbat at isa o dalawang mga hindi binibilang na araw kada buwan.[4] Ang isang rekonstruksiyon ng isang nasirang tableta ay tila naglalarawan ng isang bihirang pinatutunayang salitang Sapattum o Sabattum bilang buong buwan. Ang salitang ito ay kognato ay isinama sa Hebreong Shabbat. Ito ay itinuturing na isang anyo ng Sumeryong sa-bat ("gitnang pahinga") na pinatutunayan sa wikang Akkadiano bilang um nuh libbi ("araw ng gitnang pahinga"). Ayon kay Marcello Craveri, ang Hebreong Shabbat o Sabbath "ay halos tiyak na hinango mula sa Babilonyong Shabattu, ang pista ng buong buwan ngunit ang lahat ng bakas ng gayong pinagmulan ay nawala, na itinuro ng mga Hebreo na mula sa isang alamat ng Bibliya."[5] Ang konklusyong ito ay isang kontekstuwal na restorasyon ng isang nasirang salaysay ng paglikha sa Enuma Elish na mababasang : "Ang [Sa]bbath ay sasalubungin mo, gitnang[buwan]an. "[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Landau, Judah Leo. The Sabbath. Johannesburg, South Africa: Ivri Publishing Society, Ltd. pp. 2, 12. Nakuha noong 2009-03-26.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Joseph, Max (1943). "Holidays". Sa Landman, Isaac (pat.). The Universal Jewish Encyclopedia: An authoritative and popular presentation of Jews and Judaism since the earliest times. Bol. 5. Cohen, Simon, compiler. The Universal Jewish Encyclopedia, Inc. p. 410.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Joseph, Max (1943). "Sabbath". Sa Landman, Isaac (pat.). The Universal Jewish Encyclopedia: An authoritative and popular presentation of Jews and Judaism since the earliest times. Bol. 9. Cohen, Simon, compiler. The Universal Jewish Encyclopedia, Inc. p. 295.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cohen, Simon (1943). "Week". Sa Landman, Isaac (pat.). The Universal Jewish Encyclopedia: An authoritative and popular presentation of Jews and Judaism since the earliest times. Bol. 10. Cohen, Simon, compiler. The Universal Jewish Encyclopedia, Inc. p. 482.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Craveri, Marcello (1967). The Life of Jesus. Grove Press. p. 134.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pinches, T.G. (2003). "Sabbath (Babylonian)". Sa Hastings, James (pat.). Encyclopedia of Religion and Ethics. Bol. 20. Selbie, John A., contrib. Kessinger Publishing. pp. 889–891. ISBN 978-0-7661-3698-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-09. Nakuha noong 2009-03-17.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)