Tanging Yaman (teleserye)

Ang Tanging Yaman ay isang Pilipinong dramang pampolitika na kasalukuyang ipinalalabas sa ABS-CBN Primetime Bida. Kasama sa serya ang mga aktor at aktres na sila Erich Gonzales, Enchong Dee, Ejay Falcon, Melissa Ricks, Matt Evans, at iba pang mga kilalang Pilipinong aktor at aktres.[1][2][3]

Tanging Yaman
Pagpapakita ng ilang mga tauhan ng serye (mula sa kaliwang taas pababa): Melissa Ricks bilang Isabel Jacinto, Rowell Santiago bilang Pangulo Juan Policarpio, Agot Isidro bilang Unang Ginang Marcela Policarpio, at Erich Gonzales bilang Josefina "Fina" Dimaguiba/Policarpio
UriDramang pampolitika, Romansa
GumawaJesuit Communications Foundation
Pinangungunahan ni/ninaErich Gonzales
Enchong Dee
Ejay Falcon
Melissa Ricks
Matt Evans
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Paggawa
LokasyonPilipinas
Oras ng pagpapalabas30 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanABS-CBN
Picture format480i SDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawid11 Enero (2010-01-11) –
21 Mayo 2010 (2010-05-21)
Website
Opisyal

Paglikha

baguhin

Kinaroroonan

baguhin

Ang paglikha ng serye ay nagsimula noong Oktubre 2009. Ito ay ginanap sa iba't ibang lugar sa Maynila, Pilipinas at karamihan ng mga kuha ay kinuhanan sa Coconut Palace, ang nagsisilbing tirahan ng Pangulo na humahalili sa Malacañang

Kuwento

baguhin

Ito ay tungkol sa mag-ama

Sinopsis

baguhin

Habang nasusunog ang isang pagamutan, si Marcela ay nanganak nang hindi sinasadya sa isang batang babae. Kasabay niyang nanganak si Soledad—ngunit namatay matapos. Nagkagulo at nahiwalay si Marcela sa kanyang anak. Ang kanyang anak napunta sa tabi ni Soledad nang dumating si Marina, ang isa pang anak ni Soledad. Sa pag-iisip na nakababatang kapatid ang nasa tabi ng kanyang ina, kinuha niya ang sanggol palabas ng nagkakagulong ospital.

Samantala, pinakiusapan ni Marcela si Emil na hanapin ang kanyang nawawalang na sanggol. Sa kasamaang palad, namatay si Emil na nagdulot ng pagka-biyuda ni Leona at pagkawala ng ama ni Isabel. Habang inililigtas ni Apol, asawa ni Soledad, ang mga tao sa kapamahakan, nakakita siya ng mananakaw na pera sa isang tabi. Inakala niyang makatutulong ito nang sobra sa kanyang pamilya, ngunit nahuli siya ng pulis. Nang tumigil ang sunog, binigyan ni Solomon "Sol" Buenavista ang bumberong si Juan Policarpio ng pasasalamat dahil iniligtas niya ang mga taong nasa pagamutan, kasama si Solomon. Hindi siya nag-atubiling bigyan si Juan ng isang bagong bahay—kasama ng pangakong gagawin niya ang lahat para maalis siya sa kahirapan. Sina Marina at anak ni Marcela na si Fina, ay nakaranas ng pinakamasamang malas sa mundo. Bukod sa pagiging alipin bigla, napunta sila sa pangangalaga ng ama ni Epi.

Ngayong si Juan ay nagiging kilala sa masa, si Sol, na isang umuusbong na politiko sa bansa, ay kinumbinsi si Juan—na senador noon na tatakbo sa pagkapangulo, na maging kanyang kasama para matupad ang kanyang inaasam. At tulad ng inaasahan ni Sol, ang kanilang pagsasama ay naging matagumpay. Si Juan, isang dating bumbero, ay naging pangulo na ng bansa. Kahit nagkaroon na ng kapangyarihan, siya ay nananatiling mabait at mapagkumbaba sa lahat ng oras.

Sa kabilang dako, si Isabel ang naging unang anak. Siya at si Fina ay natanggap sa parehong pamantasan. Mula noon, nagsimula ang kani-kanilang kuwento sa buhay.

Mga tauhan at mga gumanap

baguhin
  • Pangulo/Presidente Juan Policarpio (Rowell Santiago): Ang tunay na ama ni Fina, si juan ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas sa kuwento. Dati siyang bumbero nang siya ay inakalang sumagip ng maraming tao sa nasusunog na pagamutan ni Solomon. Kasama ni Sol, sila ay tumakbo sa pagkapangulo at pagka-ikalawang pangulo at sila ay nanalo. Bilang ang pangulo, si Juan ay nagiging mabait at mapagkumbaba sa lahat, kasama na ang kanyang pamilya. Ngunit nagkaroon ng galit siya sa kanyang kapatid na si Leona. Sa kabanata 79 o 80 na pribyu, si Juan ay binaril ng isang taong 'di kilala (sa ngayon).
  • Unang Ginang Marcela Policarpio (Agot Isidro): Siya ang asawa ni Juan.
  • Unang Anak Josefina "Fina" Dimaguiba/Policarpio (Erich Gonzales): Siya ay isang mahirap ngunit matatag na babae na ang tunay na anak nila Juan at Marcela.
  • Isabel Policarpio-Jacinto (Melissa Ricks): Siya ang naging Unang Anak bago dumating si Fina.
  • Abogado Leona Policarpio-Jacinto (Mylene Dizon): Siya ay ina ni Isabel.
  • Emilio "Emil" Jacinto (Kier Legaspi): Siya ang asawa ni Leona na namatay sa sunog sa pagamutan dahil sa kahahanap ng anak ni Marcela.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Siazon, Rachelle (2009-11-21). "ABS-CBN unveils 2010 show line-up". Showbuzz Feature. ABS-CBN News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-30. Nakuha noong 2009-12-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Tanging Yaman: Feature Article Naka-arkibo 2012-10-05 sa Wayback Machine. retrieved via www.abs-cbn.com 01-11-2010
  3. Tanging Yaman: Cast and Character Naka-arkibo 2012-10-07 sa Wayback Machine. retrieved via www.abs-cbn.com 01-11-2010