Tahanang Pilipino

(Idinirekta mula sa Coconut Palace)

Ang Tahanang Pilipino o Coconut Palace (lit. na 'Palasyo ng Niyog') sa katawagang Ingles ay isang gusali ng pamahalaan na matatagpuan sa Kompleks ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas sa Maynila, Pilipinas. Ito ang opisyal na tirahan at pangunahing pinagtatrabahuan ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong termino ni Jejomar Binay.

Coconut Palace
Tahanang Pilipino
Map
Pangkalahatang impormasyon
Estilong arkitekturalPilipinong arkitekturang bernakular
PahatiranKalye F. Ma. Guerrero
Bayan o lungsodMaynila
BansaPilipinas
Mga koordinado14°33′19″N 120°58′48″E / 14.55522°N 120.980013°E / 14.55522; 120.980013
Natapos1978
Inayos2010
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoFrancisco Mañosa
Tahanang Pilipino

Ito ay kinomisyon noong 1978 ng dating Unang Ginang na si Imelda Marcos bilang guest house o bahay panauhin ng pamahalaan, at inialok ito kay Papa Juan Pablo II sa kanyang bisitang pampapasa Pilipinas noong 1981, ngunit tumanggi ang Papa na manatili doon dahil imasyado itong mariwasa dahil sa antas ng kahirapan sa ang Pilipinas.[1]

Nagkakahalaga ng ₱37 milyon ang pagpapatayo ng Coconut Palace, at bahagya itong pinondohan ng coconut levy fund o pondong pataw ng buwis sa niyog, na itinayo para magamit para sa kapakanan ng mga magniniyog. Iniuugnay minsan ang pagtatayo nito sa edifice complex o kompleks na gusali ni Gng. Marcos, isang terminong pinasikat ng isang historyador ng arkitektura bilang "pagkahumaling at pagpilit na magtayo ng mga edipisyo bilang tanda ng kadakilaan o bilang tanda ng pambansang kaunlaran."[2][3] Ito ay pagmamay-ari ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abella, Jerrie M. (11 Pebrero 2011). "VP Binay to transfer office to Coconut Palace in March". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Abril 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "A Peek Inside the Coconut Palace, A Reminder of Imelda Marcos' Edifice Complex". Esquire Philippines (sa wikang Ingles). 22 Abril 2020. Nakuha noong 24 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lico, Gerard (2003). Edifice Complex: Power, Myth, and Marcos State Architecture. Ateneo University Press. ISBN 9789715504355.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)