Mayroong ganitong apat na paraan upang sagutin ang mga katanungan. Aling apat? Mayroong mga tanong na dapat sagutin ayon sa kaurian [tuwirang oo, hindi, ito, iyon]. Mayroon mga tanong na nararapat sagutin na may isang kasagutang mapanuri (naaangkop) [binibigyan ng kahulugan o muling binibigyan ng kahulugan ang mga kataga). Mayroon mga tanong na dapat sagutin ng isang katapat na katanungan. Mayroong mga tanong na dapat isantabi. Ito ang apat na mga kaparaanan ng pagsagot sa mga tanong

Gautama Buddha, [1]

Ang tanong o katanungan ay maaaring isang pagpapahayag na pangwika na ginagamit upang humiling ng kabatiran, o kaya ang kahilingan mismo na ginawa ng ganyang pagpapahayag. Ang impormasyong ito ay maaaring ibigay na mayroong isang sagot o kasagutan (katugunan).

Karaniwang inihahain, inihaharap, o itinatanong ang mga tanong na ginagamitan ng mga pangungusap na patanong. Subalit maaari rin silang buuin sa pamamagitan ng mga pangungusap na imperatibo (pautos), na karaniwang nagpapahayag ng kautusan: "Sabihin mo sa akin kung ilan ang dalawa na dinagdagan pa ng dalawa"; sa kasalungatan, ilang mga pagpapahayag na katulad ng "Maaari mo bang iabot sa akin ang patis?", ay mayroong anyong pambalarila ng mga katanungan ngunit talagang gumaganap bilang mga kahilingan para sa pagkilos, hindi para sa mga kasagutan, na nakakagawa sa kanila upang maging alopunksiyonal na may kahulugang 'nagsisilbi ng isang naiibang layunin na naiiba sa orihinal na layunin'. (Ang ganitong parirala, sa pangteoriya, ay maaari ring tanawin hindi lamang bilang isang kahilingan subalit bilang isang pagpansin o obserbasyon ng kagustuhan ng ibang tao na talimahin o tuparin ang ibinigay na kahilingan.)

Kasamu't sarian ng mga tanong

baguhin

Ang mga tanong ay mayroong ilang bilang ng mga kagamitan. Ang 'paghahain ng isang tanong' ay maaaring gumabay sa nagtatanong sa kahabaan ng abenida ng pananaliksik (tingnan ang metodong Sokratiko). Ang isang pangretorikal o panayusay na tanong ay itinatanong upang makagawa ng isang paksa o punto, at hindi umaasa mabigyan ng kasagutan (kadalasang ang sagot ay ipinahihiwatig o lantad). Ang mga tanong na presuposisyunal o katanungang nagpapalagay, katulad ng "Tumigil ka na ba sa pananakit ng asawa mo?" ay maaaring ginagamit bilang isang biro o ipahiya ang mga tagapanood o mga tagapakinig, dahil sa ang anumang katugunan na maaaring ibigay ng isang tao ay makapagpapahiwatig ng mas marami pang impormasyon kaysa sa ninanais niyang sabihing may katotohanan. Ang mga tanong ay maaari ring maging mga pamagat ng mga akdang pangsining at pampanitikan; halimbawa na ang maikling kuwento ni Leo Tolstoy na How Much Land Does a Man Need? ("Gaano Kalaking Lupain Ba ang Kailangan ng Isang Tao") o kaya ang pelikulang How About Bob? (na may diwang "E, Paano Kaya si Bob?" o "Paano Naman Kaya si Bob?" o "Paano Na si Bob?"), o isang monograpong pangdalubhasa na katulad ng Who Asked the First Question? ("Sino Ba ang Nagtanong ng Unang Katanungan?"). Nagtala si McKenzie ng 17 mga uri ng mga katanungan sa kanyang "Questioning Toolkit" ("Kasangkapan sa Pagtatanong") at nagmungkahi na ang mga nag-iisip ay nararapat na mamigay at pagsama-samahin ang mga tipong ito sa kanyang artikulong "Punchy Question Combinations" (sa diwang "Nakapupukaw na Pinagsama-samang mga Tanong"). Halimbawa ng kanyang mga uri ng pagtatanong ang "tanong na walang pakundangan" o "katanungang walang paggalang" (irreverent question) at ang "katanungan hindi masasagot" (unanswerable question). ang mga tanong ay maaari ring maging hindi nakapagpapasaya o hindi nakapagpapaligaya, batay sa hindi tama o ilohikal na pangunahing saligan o batayan (katulad ng "Bakit mayroong lunting mga pakpak ang mga pusa?").

Mga sanggunian

baguhin
  1. Pañha Sutta: Questions, isinalinwika ni Thanissaro Bhikkhu mula sa Pali.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Balarila at Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.