Tanpopo
Ang Tanpopo (タンポポ, dandelyon) ay ang kaunaunahang opisyal na subroup ng Morning Musume. Ang grupo ay umawit ng mga mababagal at magulang na awitin, ngunit sa paglipas ng panahon, nag-iba ang istilo ng kanilang pag-awit. Hinawak sila ng produsyer na si Tsunku at ng kompanyang Hello! Project.
Kasaysayan
baguhinAng grupo ay binuo ng mga miyembro ng Morning Musume, na sina Aya Ishiguro, Kaori Iida, at Mari Yaguchi, noong Nobyembre 1998. Nag-isip ang tatlo ng pangalan para sa kanilang bagong grupo. Nagpasiya ang tatlo na gamitin ang pangalang tanpopo (蒲公英), dandelion sa Wikang Ingles, na siyang inimungkahi ng isang tagahanga. Ang mga pangalang naging kandidato bilang pangalan ng grupo ay ang mga sumusunod:
|
|
Panahon ng Unang Henerasyon
baguhinAng kanilang unang single na "Last Kiss" ay may seksing vibe, na kanila ring gagamitin sa kanilang pangalawang awitin at unang album. Ngunit nag-iba ang imahe ng grupo at ang istilo ng mga awitin noong inilabas ang kanilang pangatlong single. Ang "Tanpopo" ay nagbigay ng maaliwalas at sariwang imahe sa grupo, pero hindi ito naging patok sa kanilang mga tagahanga.
Pagkatapos ilabas ng grupo ang kanilang pang-apat na single noong Oktubre 20, taong 1999, umalis sa grupo si Aya noong siya ay nagtapos sa grupong Morning Musume. Ang mga naiwan ay nagpatuloy pa ring magtanghal sa mga konsieyrto't mga palabas bilang Tanpopo. Nang mabawasan ang Unang Henerasyon, ang mga natira ay sinabing Henerasyong 1.5.
Pagpasok ng Ikalawang Henerasyon
baguhinNoong Hunyo 2000, siyam na buwan ang nakalipas, pumasok sina Rika Ishikawa at Ai Kago sa grupo. Naging apat ang dating grupong may dalawang miyembro. Nag-iba ulit ang istilo ng pag-awit ng grupo noong inilabas nila ang panlimang awitin ng grupo, ang "Otome Pasta ni Kandō." Ang kanilang awitin na ito ay naging katulad ng mga awitin ng pangunahing grupo ng Hello! Project, ang Morning Musume.
Pagkatapos nito, nagsimula silang maghayag sa himpilan ng radyo sa tulong ng TBS. Ang kanilang palabas na Tanpopo Henshūbu OH-SO-RO! ay nagsimula noong Oktubre 3. Hindi ito ang unang beses na naghayag ang grupo sa isang estasyon ng grupo. Ang Unang Henerasyon ay naghayag sa dalawang palabas, sa tulong ng estasyong Nippon Hōsō.
Ang pampitong single ng grupo, na may pangalang "Ōjisama to Yuki no Yoru," ay ang kaunaunahang awiting ng grupo na pumasok sa Oricon Charts sa unang puwesto. Ang magandang balitang ito ay sinundan naman ng isang nakakalungkot na balita. Sina Kaori, Mari, at Ai ay aalis sa grupo at papalitan.
Noong Setyembre 2002, nagtapos sina Kaori, Mari, at Ai sa grupo. Maraming hindi natuwa sa kanilang pagtatapos. Dahil dito, sa kanilang konsiyertong pagtatapos (o graduation concert), ang mga tagahanga ay nagwagayway ng mga dilaw na lightstick habang nagtatanghal ang grupo.
Ang Katapusan ng Grupo
baguhinInilagay kaagad ang Ikatlong Henerasyon ng grupo na sina Asami Konno at Risa Niigaki ng Morning Musume, at Ayumi Shibata ng Melon Kinen-bi pagkatapos umalis ng tatlong nagtapos. Pagkatapos silang mabuo, kaagad rin silang naglabas ng single, na may pangalang "Be Happy Koi no Yajirobee", noong ika-26 ng Setyembre.
Ngunit, pagkatapos niyon, hindi na sila ulit naglabas ng mga bagong single o album. Sila ay nagtatanghal lamang sa mga konsiyerto, inaawit ang mga lumang awitin ng grupo, at naghahayag sa kanilang programa sa radyo. Pero sa pagdating ng Setyembre 2003, tinigal na ang kanilang palabas sa radyo at ang grupo ay mukhang huminto na, sa paggawa at pagtatanghal ng kanilang mga awitin.
Noong Hulyo 23, 2006, nagtapos si Asami sa grupong Morning Musume at sa kompanyang Hello! Project. Dahil dito, ang kanyang pangalan sa profile ng grupo, na makikita sa opisyal na websayt ng kompanya, ay inialis. Ngunit wala pang balita ang nagsasabi sa muling pagbangon ng grupo.
Ang mga miyembro
baguhinUnang Henerasyon
baguhin(Nobyembre 1998 - Oktubre 1999)
Henerasyong Isa't Kalahati
baguhin(Oktubre 1999 - Hunyo 2000)
- Kaori Iida (Pinuno)
- Mari Yaguchi
Ikalawang Henerasyon
baguhin(Hunyo 2000 - Setyembre 2002)
- Kaori Iida (Pinuno)
- Mari Yaguchi
- Rika Ishikawa
- Ai Kago
Ikatlong Henerasyon
baguhin(Setyembre 2002 - Hulyo 2006)
Henerasyong Tatlo't Kalahati
baguhin(Hulyo 2006 - Kasalukuyan)
- Rika Ishikawa (Pinuno)
- Risa Niigaki
- Ayumi Shibata
Diskograpiya
baguhinMga album
baguhin# | Pamagat ng album | Inilabas noong |
---|---|---|
1 | Tanpopo 1 | 1999-03-31 |
2 | All of Tanpopo (All of タンポポ) | 2002-09-04 |
Mga single
baguhin# | Pamagat ng single | Inilabas noong |
---|---|---|
1 | "Last Kiss" (ラストキッス) | 1998-11-18 |
2 | "Motto" (もっと) | 1999-03-10 |
3 | "Tanpopo" (たんぽぽ) | 1999-06-16 |
4 | "Seinaru Kane ga Hibiku Yoru" (聖なる鐘がひびく夜) | 1999-10-20 |
5 | "Otome Pasta ni Kandō" (乙女 パスタに感動) | 2000-07-05 |
6 | "Koi wo Shichaimashita!" (恋をしちゃいました!) | 2001-02-21 |
7 | "Ōjisama to Yuki no Yoru" (王子様と雪の夜) | 2001-11-21 |
8 | "Be Happy Koi no Yajirobee" (Be Happy 恋のやじろべえ) | 2002-09-26 |
Mga DVD
baguhin# | Pamagat ng DVD | Inilabas noong |
---|---|---|
1 | Tanpopo Single V Clips 1 (タンポポ シングルVクリップス①) | 2004-06-16 |
Ibang proyekto
baguhinMga photobook
baguhinPamagat ng photobook | Inilabas noong | Produser | ISBN |
Tanpopo Photobook (タンポポPhoto Book) | 2001-07-05 | Wani Books | ISBN 4-8470-2654-0 |
Mga radio show
baguhinPangalan ng radio show | Nagsimula noong | Natapos noong | Pangalan ng himpilan ng radyo |
Ibang Impormasyon |
Tanpopo Hatake de Tsukamaete (タンポポ畑でつかまえて) |
1999-10-09 | 2000-03-25 | Nippon Hōsō | - |
Tanpopo no Konya mo Mankai (タンポポの今夜も満開) |
2000-03-30 | 2001-04-12 | Kasama si Yuko Nakazawa. | |
Tanpopo Henshūbu OH-SO-RO! (タンポポ編集部 OH-SO-RO!) |
2000-10-03 | 2003-09-23 | TBS | Ang palabas ay kasama sa programang Be@t B@by!!. Ngunit noong may pagbabagong nangyari sa esatsyon, inilagay ito sa Junk. |
Mga kaugnayang palabas
baguhin- Hello! Project.com: Opisyal na profile ng Tanpopo
- Up-Front Works.jp: Diskograpiya ng Tanpopo Naka-arkibo 2006-09-08 sa Wayback Machine.
- ThePPN:Tanpopo