Yuko Nakazawa
Si Yuko Nakazawa (中澤裕子 Nakazawa Yuko; ipinanganak noong 19 Hunyo 1973 sa Kyoto Prefecture ng bansang Hapon) ay isang Hapones na mang-aawit at aktress, kilala bilang isa sa mga miyembrong nagtatag ng grupong Morning Musume. Sa kasalukuyan, siya ay isang solo artist at isa sa mga punong abala ng palabas na Hello! Morning.
Karera
baguhinSi Yuko ay isa sa limang runner-up na sumali sa isang paligsahan upang maging bagong idolo ng isang rock band sa bansang Hapon. Pagkatapos ng timpalak, ang musikero at produser na si Tsunku ay binigyan siya pati ang iba pang runner-up (Kaori Iida, Aya Ishiguro, Natsumi Abe, at Asuka Fukuda) ng pagkakataon na maging ganap na mang-aawit sa pamamahala ni Tsunku, sa isang kondisyon: dapat silang magbenta ng 50,000 CDs ng kanilang awit na "Ai no Tane" sa loob ng limang araw. Ang lima ay nagtagumpay sa loob lamang ng apat na araw at, kaya, sinilang ang grupong Morning Musume sa taong 1997 (at ang kanilang opisyal na unang single na "Morning Coffee" ay inilabasa sa taong 1998). Sila ay kilala at matagumpay ngunit, ilang tao ang naiilang dahil sa pagpapalitpalit ng mga miyembro ng grupo, pati na rin sa "pagtapos" o pag-alis ng mga miyembro.
Pagkatapos ng pagbuo ng grupo, kaagad gumawa si Yuko ng sariling karera bilang isang mang-aawit noong taong 1998. Siya ay nagsimulang umawit ng mga awit na nasa istilong enka (isang tradisyonal na pag-awit ng mga Hapones) pero unti-unting umaawit ng mga mababagal at magulang na mga awitin kaysa sa mga awit ng Hello! Project (isang kompanya na humahawak sa grupong Morning Musume at iba pang grupo).
Lagi siyang nakikitang umaawit sa palabas ng Hello! Project na "Folk Songs," kung saan siya pati na rin ang ibang miyembro at grupo sa pamamahala ng Hello! Project ay umaawit ng tradisyonal na mga kanta. Siya rin ay inilagay sa Akagumi 4, isang grupong lumabas sa taong 2000. Sa Morning Musume, siya ay madalas na umaawit sa likod o background at may kakaunting sariling linya sa kanta.
Bilang pinakamatanda ng unang henerasyon ng Morning Musume (siya ay dalamput-apat noong binubuo pa ang grupo at magiging dalamput-walo noong siya ay "nagtapos" sa grupo), si Yuko ay ginawang pinuno ng grupo hanggang siya ay umalis noong taong 2001. Sa kanyang pagpapaliwanag para sa kanyang "pagtatapos," sinabi niya na gusto niyang gumawa ng maraming bagay bago siya maging trenta anyos. Sa kanyang pagtatapos, siya ay mas matanda kay Ai Kago, ang pinakabatang miyembro ng tropa sa edad na labing-tatlo, ng labing-apat na taon.
Pagkatapos ng kanyang pag-alis, nagtrabaho rin si Yuko sa mga Japanese drama (katulad sa "Beauty 7" at "Home Maker") at ipinagpatuloy ang sariling karir bilang mang-aawit. Siya pa rin ay nagtratrabaho kasama ang Morning Musume, at laging host ng palabas na "Hello! Morning".
Diskograpiya
baguhinMga album
baguhin- Nakazawa Yuuko Dai Isshou (中澤ゆうこ 第一章)
- Dai Nisshou ~Tsugari~ (第二章~強がり~)
Mga single
baguhin- Karasu no Nyoubou (カラスの女房)
- Odaiba Moonlight Serenade (お台場ムーンライトセレナーデ)
- Junjou Koushin Kyoku (純情行進曲)
- Shanghai no Kaze (上海の風)
- Kuyashi Namida Porori (悔し涙ぽろり)
- Futari Gurashi (二人暮し)
- Tokyo Bijin {東京美人)
- GET ALONG WITH YOU
- Genki no Nai Hi Komoriuta/Nagaragawa no Hare (元気のない日の子守唄/長良川の晴れ)
- DO MY BEST
Filmograpiya
baguhinMga palabas sa telebisyon
baguhin- Beauty 7 (ビューティー7)
- Aiken Roshinante no Sainan (愛犬ロシナンテの災難)
- Ginza no Koi (ギンザの恋)
- Gokusen (ごくせん)
- Home Maker (ほーむめーかー)
- Kochira Hon Ikegami Sho (こちら本池上署)
Mga pelikula
baguhin- Minimoni ja Movie: Okashi na Daibouken! (ミニモニ。じゃムービーお菓子な大冒険!)
- Tetsujin 28 Gou (鉄人28号)
Pahayagan
baguhinMga photobook
baguhin- Feather
- Watashi ga Omou, Konna Onna (私が思う、こんな女)
Kiwi panglabas
baguhin
Hello! Project: Morning Musume |
Mga Miyembro |
Ai Takahashi (pinuno) | Risa Niigaki (bise-pinuno) | Eri Kamei | Sayumi Michishige | Reina Tanaka | Koharu Kusumi | Aika Mitsui | Jun Jun | Lin Lin |
Asuka Fukuda | Aya Ishiguro | Sayaka Ichii | Yuko Nakazawa | Maki Goto | Kei Yasuda | Natsumi Abe | Nozomi Tsuji | Ai Kago | Kaori Iida | Mari Yaguchi | Rika Ishikawa | Asami Konno | Makoto Ogawa | Hitomi Yoshizawa | Miki Fujimoto |
Diskograpiya |
---|
Mga Single: 0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 |
Mga Opisyal na Album: First Time | Second Morning | 3rd -Love Paradise- | 4th "Ikimashoi!" | No.5 | Ai no Dai 6Kan | Rainbow 7 | 7.5 Fuyu Fuyu Morning Musume Mini! | Sexy 8 Beat |
Mga Best-of Album: Best! Morning Musume 1 | Best! Morning Musume 2 | Early Single Box | All Singles Complete |