2000
Ang 2000 (MM) ay isang siglong taong bisyesto na nagsisimula sa Sabado, sang-ayon sa kalendaryong Gregoryano. Ito ang ika-100 at huling taon ng ika-20 dantaon, ika-2000 taon ng Anno Domini o Karaniwang Panahon, ang unang taon ng dekada 2000, ang ika-25 at huling taong bisyesto ng ika-20 dantaon, at ang ika-1000 at huling taon ng ikalawang milenyo.
Itinalaga ang 2000 bilang ang Internasyunal na Taon para sa Kultura ng Kapayapaan[1] at ang Pandaigdigang Taon ng Matematika.[2]
Pinanghahawakan ng popular na kultura ang taong 2000 bilang ang unang taon ng ika-21 dantaon at ng ikatlong milenyo dahil sa kinaugaliang pagpapangkat ng mga taon ayon sa desimal na halaga, na para bang nabibilang ang taong sero. Sang-ayon sa kalendaryong Gregoryano, pumapatak ang pagtatanging ito sa taong 2001, dahil retroaktibong sinasabing nagsisimula ang unang dantaon sa taong AD 1. Yayamang walang taong sero ang kalendaryong Gregoryano, umabot ang unang milenyo mula sa loob ng mga taong 1 hanggang 1000 at ang ikalawang milenyo mula sa mga taong 1001 hanggang 2000. (Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang dantaon at milenyo.)
Dinadaglat din minsan ang taong 2000 bilang "Y2K" (nangangahulagan ang "Y" bilang "year", ang Ingles ng taon, at nangangahulugan ang "K" bilang "kilo" na ibig sabihin ay "isang libo").[3][4] Naging paksa ng alalahaning Y2K ang taong 2000, na mga takot sa hindi tamang pagpalit mula 1999 tungo 2000 ng mga kompyuter. Bagaman, sa katapusan ng 1999, maraming mga kompanya ang nagpalit na sa bago, o pinataas na software. May ilan din ang kumuha ng "sertipikasyong Y2K." Bilang isang resulta ng malawakang pagsisikap, medyo kaunting mga problema ang naganap.
Kaganapan
baguhin- Enero 2 - Maramihang pagpatay sa Kosheh: Minasaker ang dalawampung Koptikong Kristiyano ng mga tagabaryong Muslim sa Kosheh, Ehipto.
- Enero 6 - Natagpuang patay ang huling likas na Pirenaikong aybeks, na tila namatay dahil sa bumagsak na puno.
- Enero 10 - Inihayag ng America Online ang isang kasunduan upang bilhin ang Time Warner sa halagang $ 162 bilyon (ang pinakamalaking pagsasama ng mga kompanya).
- Enero 31
- Bumagsak ang Alaska Airlines Lipad 261 sa baybayin ng California patungo sa Karagatang Pasipiko, na kinitil ang 88.
- Napatunayang nagkasala si Dr. Harold Shipman sa pagpatay sa 15 pasyente sa pagitan ng 1995 at 1998 sa Hyde, Kalakhang Manchester, Inglatera, at pinarusahan ng habambuhay na pagkabilanggo. Itinuring ng kasunod na pagtatanong na pumatay siya ng hindi bababa sa 215. [5]
- Marso 4 – Nailabas ang PlayStation 2 sa bansang Hapon, na sinundan ng ibang pagpapalabas sa kanluraning merkado noong huling bahagi ng 2000.[6][7][8][9]
- Marso 12
- Humingi ng paumanhin si Papa Juan Pablo II para sa kamaliang nagawa ng Simbahang Romano Katoliko sa lahat ng panahon.
- Hindi matagumpay ang paglunsad sa dagat ng Zenit-3SL dahil sa bug sa software.[10]
- Abril 3 – Estados Unidos laban sa Microsoft Corp.: Pinagpasayahan na nilabag ng Microsoft ang batas kontra monopolyo (antitrust) sa Estados Unidos sa pamamagitan ng pagpapanatili ng "mapang-api na hinlalaki" sa mga kakumpitensya nito.
- Mayo 5
- Pagkatapos magmula sa Pilipinas, mabilis na kumalat ang birus ng kompyuter na ILOVEYOU sa buong mundo.
- Naganap ang isang bihirang pagsasama ng pitong mga bagay sa kalangitan (Araw, Buwan, mga planetang Merkuryo–Saturno) noong panahon ng bagong buwan.[11]
- Mayo 11 – Umabot ang populasyon ng Indya sa 1 bilyon.[12][13]
- Setyembre 13 – Ipinakilala ni Steve Jobs ang pampublikong beta ng Mac OS X para sa halagang $ 29.95.[14]
- Oktubre 15 – Nanalo si Dale Earnhardt Sr ng kanyang ika-76 at huling karera sa karerang NASCAR sa Talladega Superspeedway.
- Nobyembre 2 – Pumasok ang unang residenteng tripulante sa Internasyunal na Estasyong Pangkalawakan (International Space Station).
- Nobyembre 7 – Ang Pampangulong Halalan ng Estados Unidos ng 2000: Walang naideklarang nanalo, na naudyukan ang isang kontrobersyal na muling pagbilang sa Florida.[15]
- Disyembre 12 – Bush laban kay Gore: Pinasyahan ng Korte Suprema ng Estados Unidos na kailangang itigil ang muling pagbilang sa pampangulong halalan sa Florida ng 2000 at isertipika ang orihinal na resulta, sa gayon, gagawing si George W. Bush ang panalo sa pampangulong halalan ng Estados Unidos.[16]
Populasyon ng mundo
baguhinPopulasyon ng mundo[17] | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
2000 | 1995 | 2005 | |||||
Mundo | 6,070,581,000 | 5,674,380,000 | +396,201,000 | +6.98% | 6,453,628,000 | +383,047,000 | +6.31% |
Aprika | 795,671,000 | 707,462,000 | +88,209,000 | +12.47% | 887,964,000 | +92,293,000 | +11.60% |
Asya | 3,679,737,000 | 3,430,052,000 | +249,685,000 | +7.28% | 3,917,508,000 | +237,771,000 | +6.46% |
Europa | 727,986,000 | 727,405,000 | +581,000 | +0.08% | 724,722,000 | -3,264,000 | -0.45% |
Latino Amerika | 520,229,000 | 481,099,000 | +39,130,000 | +8.13% | 558,281,000 | +38,052,000 | +7.31% |
Hilagang Amerika | 315,915,000 | 299,438,000 | +16,477,000 | +5.50% | 332,156,000 | +16,241,000 | +5.14% |
Oseaniya | 31,043,000 | 28,924,000 | +2,119,000 | +7.33% | 32,998,000 | +1,955,000 | +6.30% |
Kapanganakan
baguhin- Nobyembre 14 – Xiyeon, Koreanang aktres at mang-aawit
- Marso 2 – Bianca Umali, Pilipinang aktres
- Marso 15 – Kristian Kostov, Ruso/Bulgarong mang-aawit at manunulat ng awitin
- Agosto 21 – Kate Valdez, Pilipinang modelo at aktres
- Agosto 27 – Tatsuomi Hamada, Hapong aktor at modelo
Kamatayan
baguhin- Enero 19 – Bettino Craxi, Italyanong politiko, ika-45 Punong Ministro ng Italya (ipinanganak 1934)
- Abril 5 – Lee Petty, Amerikanong tagapagmaneho ng karerang-kotse (ipinanganak 1914)
- Mayo 12 – Adam Petty, Amerikanong tagapagmaneho ng karerang-kotse (ipinanganak 1980)
- Hulyo 1 – Walter Matthau, Amerikanong aktor (ipinanganak 1920)
- Agosto 25 – Carl Barks, Amerikanong kartunista at manunulat ng senaryo (ipinanganak 1901)
- Setyembre 28
- Pote Sarasin, diplomatang taga-Thailand, ika-9 na Punong Ministro ng Thailand (ipinanganak 1905)
- Pierre Trudeau, ika-15 Punong Ministro ng Kanada (ipinanganak 1919)
- Disyembre 6 – Werner Klemperer, Amerikanong aktor (ipinanganak 1920)
- Disyembre 26 – Jason Robards, Amerikanong aktor (ipinanganak 1922))
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "CULTURE OF PEACE WEBSITE" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 25, 2000.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Isaac Newton Maths posters in the London Underground" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 10, 2013. Nakuha noong Hulyo 23, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Y2K, After the Hype" (sa wikang Ingles). CalendarHome.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 31, 2013. Nakuha noong 2013-09-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kelley, Tina (1999-12-27). "'Y2K' Stands for the Year 2000. Now That Wasn't Really Difficult, Was It?". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-09-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Harold Shipman: Timeline"" (sa wikang Ingles). BBC News. Hulyo 18, 2002. Nakuha noong Hunyo 18, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Griffin, Joe (Disyembre 11, 2014). "PlayStation has delivered 20 years of gaming but the best is yet to come". The Irish Rimes (sa wikang Ingles).
PlayStation 2 is arguably the most successful games console in the world, having shifted more than 155 million units
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ John Agnello, Anthony (Enero 7, 2013). "RIP PlayStation 2: Sony halts production of the most successful game console in history". Digital Trends (sa wikang Ingles).
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Playstation 2 sweeps into Europe". BBC News (sa wikang Ingles). Nobyembre 24, 2000.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marriott, Michel (Oktubre 26, 2000). "PlayStation 2: Game Console as Trojan Horse". The New York Times (sa wikang Ingles).
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ray, Justin (Marso 30, 2000). "Sea Launch malfunction blamed on software glitch". Spaceflight Now (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Planetary Alignment of 5 May 2000" (sa wikang Ingles). Nssdc.gsfc.nasa.gov. Nakuha noong 2013-09-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lakeland Ledger - Google News Archive Search" (sa wikang Ingles).[patay na link]
- ↑ "Ludington Daily News - Google News Archive Search" (sa wikang Ingles).[patay na link]
- ↑ "Apple Releases Mac OS X Public Beta". Apple.com (sa wikang Ingles). Apple Inc. Setyembre 13, 2000. Nakuha noong Setyembre 12, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Florida recounts votes county by county as candidates wait". CNN.com (sa wikang Ingles). Nobyembre 8, 2000. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 9, 2000. Nakuha noong Abril 16, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bush v. Gore". Cornell Law School Legal Information Institute (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 16, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ World Population Prospects Naka-arkibo 2007-12-16 sa Wayback Machine.. Hinango noong Nobyembre 19, 2007.