Ang dekada 2010 o d. 2010 kung dinaglat ay isang dekada ng kalendaryong Gregoryano na nagsimula noong 1 Enero 2010, at nagtapos noong 31 Disyembre 2019.

Primaberang ArabePagsasanib ng Crimea ssa Pederasyong RusoIslamikong EstadoBrexitKasunduang ParisSmartphoneObergefell v. HodgesBlack hole
Mula sa kaliwa, pakaliwa: Mga protesta kontra-pamahalaan noong Primaberang Arabe; isinama ang Crimea sa Rusya noong 2014; isinakatuparan ng ISIS/ISIL ang mga teroristang pag-atake at pagkuha ng mga teritoryo ng Sirya at Iraq; ang kamalayan sa pag-init ng daigdig at ang Kasunduang Paris; ang unang larawan ng isang itim na butas; ginawang ligal ng Obergefell v. Hodges ang kasalan ng magkaparehong kasarian sa Estados Unidos; ang dumadaming paggamit ng dihital at mobil na mga teknolohiya; bumoto ang Reino Unido sa pag-alis sa Unyong Europeo.
Milenyo: ika-3 milenyo
Dantaon:
Dekada:
Taon:

Nagsimula ang dekada sa gitna ng isang pandaigdigang krisis sa pananalapi at mga sumunod na mga internasyunal na resesyon na nagsimula noong huling bahagi ng dekada 2000. Ang nagresultang krisis ng soberanong-utang sa Europa ay mas naging malakas sa maagang bahagi ng dekada at nagpatuloy na makaapekto sa posibilidad ng isang pandaigdigang pagbawi sa ekonomiya. Nagdulot ang mga isyung ekonomiko, tulad ng pagkamahigpit, implasyon, at pagtaas sa presyo ng bilihin, ng pagkabagabag sa maraming bansa, kabilang ang 15-M at mga kilusang Pag-okupa.[1] Lumago ang mga pagkabagabag sa ilang mga bansa—partikular sa mundong Arabe—sa mga sosyoekonomikong krisis na nagdulot ng mga rebolusyon sa Tunisia,[2] Ehipto, at Bahrain gayon din ang mga digmaang sibil sa Libya, Sirya, at Yemen sa isang laganap na hindi pangkaraniwang bagay na tinutukoy bilang Primaberang Arabe. Nakita ng paglipat ng mga kaugaliang panlipunan ang malaking pag-unlad ng mga karapatang LGBT at representasyon ng kababaihan noong dekada na ito, partikular sa Kanluran at ilang bahagi ng Asya at Aprika.

Nagpatuloy ang Estados Unidos sa katayuan nito na pandaigdigang napakamakapangyarihang bansa o superpower habang ang Tsina, kasama ang malawak na inisyatiba pang-ekonomiya at repormang militar, ay naghangad na palawakin ang impluwensya nito sa Dagat Timog Tsina at sa Aprika, na pinapatibay ang posisyon nito bilang isang umusbong na pandaigdigang napakamakapangyarihang bansa; nagsanib ang pandaigdigang kompetisyon ng Tsina at Estados Unidos sa isang "pagpigil" at isang digmaang kalakalan.

Umunlad ang impormasyong teknolohiya, sa paglaganap ng mga smartphone. Nakita ng Internet ng mga bagay (Internet of things) ang malaking paglago noong dekada 2010 dahil sa mga kaunlaran sa mga kagamitang wireless networking, teleponyang mobil, at cloud computing. Napahintulot ng mga kaunlaran sa pagproseso ng datos at ang paggulong ng 4G broadband ang pagkalat ng datos at impormasyon sa mga dominyo at tulin na hindi pa nakikita.

Pumatok sa takilya ang mga pelikulang superhero (pinakakilala ang Marvel Cinematic Universe) at animasyon sa dekada ng industriyang sine. Bumama ang bilang ng tagasubaybay ng kaybol habang lumipat ang mga nagkansela ng kanilang subskipsyon sa mas mababang presyong online streaming tulad ng Netflix, Amazon Prime, Hulu and Disney+. Ang globalismo at ang pagdami ng pangangailangan at personalisasyon sa pagharap ng mg serbisyong streaming sa musika tulad Spotify ay naglikha ng maraming sub-tipo. Dumaluyong ang sayaw, hip-hop, at musikang pop sa dekada 2010, kasama ang EDM na natamo ang malawak na tagumpay sa komersyo. Nilagpasan ang benta ng CD ng musikang dihital noong 2012. Patuloy nagdomina ang industriya ng larong bidyo ng Nintendo, Sony, at Microsoft; ang Minecraft ay ang pinakamabentang laro sa lahat ng panahon. Ang pinakamabentang aklat ng dekadang ito ay ang Fifty Shades of Grey.

Agham at teknolohiya

baguhin

Ang mga nasa baba ay ang mga pinakamahalagang kaunlarang siyentipiko sa bawat taon, batay sa taunang gawad na Tagumpay ng Taon o Breakthrough of the Year ng American Association for the Advancement of Science sa talaarawang Science.

  • 2010: Ang unang makinang kuwantum[3]
  • 2011: Paggamot sa HIV bilang pag-iwas (HPTN 052)[4]
  • 2012: Pagtuklas sa Higgs boson[5]
  • 2013: Inmunoterapiya kontra kanser[6]
  • 2014: Kometang misyon na Rosetta[7]
  • 2015: Kaparaanang pagbabago ng genoma na CRISPR[8]
  • 2016: Ginawa ng Laser Interferometer Gravitational-Wave Observatory ang unang pagmasid ng mga alon ng grabidad, na isinasakatuparan ang prediksyon ni Einstein[9]
  • 2017: Kosmikong pagtatagpo: Pagsasama ng bituing nyutron (GW170817)[10]
  • 2018: Pagbuo ng selula sa pamamagitan ng selula[11]
  • 2019: Nakunan sa unang pagkakataon ang isang itim na butas[12][13]

Teknolohiya

baguhin

Ang robotika, partikular ang mga drone, ay nagkaroon ng isang malawak na paggamit at aplikasyon. Nakita ang malaking paglago ng teknolohiya at benta ng de-kuryenteng kotse.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Hundreds of protesters descend to 'Occupy Wall Street'". money.cnn.com. 17 Setyembre 2011. Nakuha noong 17 Setyembre 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Uprisings in the region and ignored indicators". Payvand (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-04-25. Nakuha noong 2021-03-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Adrian Cho (2010). "BREAKTHROUGH OF THE YEAR. The First Quantum Machine". Science (sa wikang Ingles). 330 (6011): 1604. Bibcode:2010Sci...330.1604C. doi:10.1126/science.330.6011.1604. PMID 21163978.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Jon Cohen (2011). "Breakthrough of the Year: HIV Treatment as Prevention". Science (sa wikang Ingles). 334 (6063): 1628. Bibcode:2011Sci...334.1628C. doi:10.1126/science.334.6063.1628. PMID 22194547.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Breakthrough of the Year, 2012". Science (sa wikang Ingles).
  6. Jenifer Couzin-Franken (20 Disyembre 2013). "Cancer Immunotherapy" (sa wikang Ingles). Science. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Disyembre 2013. Nakuha noong 22 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Eric Hand (19 Disyembre 2014). "Comet rendezvous" (sa wikang Ingles). Science. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 Disyembre 2014. Nakuha noong 20 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Travis, John (18 Disyembre 2015). "Making the cut". Science Magazine (sa wikang Ingles). 350 (6267): 1456–1457. doi:10.1126/science.350.6267.1456. PMID 26680172.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Ripples in spacetime: Science's 2016 Breakthrough of the Year". Adiran Cho (sa wikang Ingles). AAAS. 22 Disyembre 2016. Nakuha noong 23 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Breakthrough of the year 2017". Science (sa wikang Ingles). AAAS. 22 Disyembre 2017. Nakuha noong 9 Setyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Choose your 2018 Breakthrough of the Year!". Science (sa wikang Ingles). AAAS. Nakuha noong 28 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Phelan, Meagan; Beckwith, Walter (19 Disyembre 2019). "Science's 2019 Breakthrough: First Image of Supermassive Black Hole". American Association for the Advancement of Science (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. American Association for the Advancement of Science (19 Disyembre 2019). "Science's 2019 breakthrough of the year: The first image of a black hole". EurekAlert! (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)