Dekada 2000

(Idinirekta mula sa 2000–2009)

Ang dekada 2000 o d. 2000 kung dinaglat ay isang dekada sa kalendaryong Gregoryano na nagsimula noong Enero 1, 2000 at nagtapos noong Disyembre 31, 2009.

Mga pag-atake noong Setyembre 11EuroDigmaang IraqDigmaang Laban sa TerorismoSocial mediaLindol at tsunami sa Karagatang Indiyano ng 2004Pandaigdigang krisis sa pananalapi ng 2007-2008Lindol at tsunami sa Karagatang Indiyano ng 2004
Mula sa kaliwa, pakaliwa: Nasusunog ang World Trade Center at ang Istatwa ng Kalayaan noong 9/11 mga atake ng 2001; pumasok ang euro sa pananalaping Europeo noong 2002; binagsak ang isang rebulto ni Saddam Hussein noong Digmaang Iraq noong 2003; lumalakad tungo sa isang hukbong helikoptero ang mga tropang Amerikano sa Afghanistan noong Digmaang Laban sa Terorismo; kumalat ang social media sa pamamagitan ng Internet sa buong mundo; isang Tsinong sundalo na pinagmamasdan ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 na nagsisimula sa Beijing; tumama ang isang ekonomikong krisis, ang pinakamalaki simula noong Matinding Depresyon, sa mundo noong 2008; kinitil ng isang tsunami mula sa lindol sa Karagatang Indiyano ang higit sa 230,000 noong 2004, at naging ang pinakamalakas na lindol sa loob ng 40 taon
Milenyo: ika-3 milenyo
Dantaon:
Dekada:
Taon:

Nakita ng unang bahagi ng dekada ang matagal ng prediksyon ng tagumpay ng ekonomikong higanteng Tsina, na nagkaroon ng doble-dihitong paglago ng halos ng buong dekada. Sa isang mas mababang lawak, nakinabang din ang Indya sa pagputok ng ekonomiya, na nakita ang dalawang pinakamataong bansa na unti-unting naging dominanteng puwersang ekonomiko. Ang mabilis na paghabol ng mga umuusbong na ekonomiya sa mga maunlad na bansa ang nagbunsod ng ilang proteksyonistang tensyon noong panahon na ito at naging bahagiang responsable sa pagtaas ng enerhiya at presyo ng pagkain sa pagtatapos ng dekada. Namayani sa huling ikatlo ng dekada ang isang pandaigdigang ekonomikong pagbagsak, na nagsimula sa krisis sa pabahay at kredito sa Estados Unidos noong huling bahagi ng 2007 at nagdulot sa pagkabangkarota ng mga pangunahing bangko at ibang institusyong pananalapi. Naibunsod ng pandaigdigang pananalaping krisis ang isang pandaigdigang resesyon, simula sa Estados Unidos at naapektuhan ang karamihan sa mga industriyalisadong mundo.

Nag-ambag ang paglago ng Internet sa globalisasyon sa panahon ng dekada, na pinahintulot ang mabilis na komunikasyon sa mga tao sa buong mundo;[1][2][3][4][5] Bumangon ang mga social networking site bilang isang bagong paraan upang kumonekta kahit saan man dako ng daigdig, hangga't may koneksyon sila sa internet. Kabilang sa mga unang mga social networking site ang Friendster, Myspace, Facebook, at Twitter, na itinatag noong 2003, 2004, at 2006, ayon sa pagkakabanggit. Pinakapopular ang Myspace sa mga websayt na social networking hanggang Hunyo 2009, nang nilagpasan ito ng Facebook sa mga Amerikanong tagagamit. Nagpatuloy ang e-mail na maging popular sa buong dekada at nagsimulang palitan ang "snail mail" o tradisyunal na koreo bilang isang pangunahing paraan ng pagpapadala ng liham at ibang mensahe sa malalayong lugar, bagman mayroon na ito noon pang 1971.

Nagsimula ang Digmaang Laban sa Terorismo at Digmaan sa Afghanistan pagkatapos ng mga pag-atake noong Setyembre 11 ng 2001. Nabuo ang Internasyunal na Korteng Kriminal noong 2002. Noong 2003, sinalakay ng koalisyong pinangunahan ng Estados Unidos ang Iraq, at dinulot ng Digmaang Iraq ang katapusan ng pamumuno ni Saddam Hussein bilang Pangulo ng Iraq at ng Partidong Ba'ath sa Iraq. Nagsagawa ang Al-Qaeda at apilyadong Islamistang militanteng grupo ng mga teroristang gawa sa buong dekada. Natapos noong Hulyo 2003 ang Ikalawang Digmaang Congo, ang pinakanakamamatay na labanan mula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ludden D (1998). The newness of globalization: A schematic view of the historical zones of territoriality University of Pennsylvania. Di natapos na balangkas. Hinango noong Disyembre 30, 2009. Naka-arkibo 2012-03-31 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  2. Gordon PH; Meunier S (2001). The French challenge: Adapting to globalization. Washington, D.C.: Brookings. (sa Ingles)
  3. Heizo T; Ryokichi C (1998). "Japan". Domestic Adjustments to Globalization (CE Morrison & H Soesastro, Eds.). Tokyo: Japan Center for International Exchange, pp. 76–102. Hinango noong Disyembre 30, 2009. (sa Ingles)
  4. Fry EH (2003). Local governments adapting to globalization. National League of Cities. Hinango noong Disyembre 30, 2009. Naka-arkibo 2011-01-05 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  5. Haarstad H, Fløysand A (2007). "Globalization and the power of rescaled narratives: A case of opposition to mining in Tambogrande, Peru". Political Geography (sa wikang Ingles). 26 (3): 289–308. doi:10.1016/j.polgeo.2006.10.014.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)