Si Joseph Philippe Pierre Yves Elliott Trudeau, PC CH CC QC FRSC ( /trˈd/; Pagbigkas sa Pranses: [tʁydo]; Oktubre 18, 1919 – Setyembre 28, 2000), higit na kilala bilang Pierre Trudeau o Pierre Elliott Trudeau, ay ang ika-15 Punong Ministro ng Canada mula Abril 20, 1968 hanggang Hunyo 4, 1979, at muli mula Marso 3, 1980, hanggang Hunyo 30, 1984.

Pierre Trudeau
Kapanganakan18 Oktubre 1919[1]
  • (Urban agglomeration of Montreal, Montreal Region, Québec, Canada)
Kamatayan28 Setyembre 2000[1]
LibinganSt-Rémi-de-Napierville Cemetery[2]
MamamayanCanada
NagtaposLondon School of Economics
Paaralang Harvard Kennedy
Sciences Po
Trabahopolitiko, abogado, mamamahayag, hukom, diyarista, memoirist,[3] jurist, guro
OpisinaPunong Ministro ng Canada (20 Abril 1968–4 Hunyo 1979)
Punong Ministro ng Canada (3 Marso 1980–30 Hunyo 1984)
AsawaMargaret Trudeau (4 Marso 1971–18 Abril 1984)
AnakJustin Trudeau[4]
Alexandre Trudeau
Michel Trudeau
Magulang
  • Charles Trudeau
Pirma

Nagsimula ang karera ni Trudeau sa pulitika bilang abogado, intelektuwal, at aktibista sa Quebec. Noong mga 1960 pinasok niya ang pederal na pulitika nang siya'y sumapi sa Liberal Party ng Canada. Hinirang siya ni Lester B. Pearson bilang Kalihim sa Parlamento at nang maglaon naging Ministro ng Katarungan. Pinagpiyestahan ng midya si Trudeau at tinawag itong "Trudeaumania". Nagsimula siyang pamunuan ang mga Liberal noong 1968. Sa huling bahagi ng dekada '60 hanggang kalagitnaan ng dekada '80, nangibabaw ang kaniyang personalidad sa larangan ng pulitika, isang bagay na hindi pa nasaksihan sa bansa, na naging sanhi ng maaalab at naghahating reaksiyon sa buong bansa. "Reason before passion" (Kadahilanan bago silakbo ng damdamin) ang kaniyang motto.[5] Nagretiro siya sa pulitika noong 1984, at humalili sa kaniya bilang punong ministro si John Turner. Ang kaniyang panganay na anak na si Justin Trudeau ay ang nakatakdang susunod na Punong Ministro, kasunod ng halalan noong 2015.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb12050219f; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. https://parcs.canada.ca/culture/designation/sepulture-gravesite/trudeau.
  3. https://books.google.ca/books/about/Memoirs.html?id=6Bh6AAAAMAAJ.
  4. "Justin Trudeau, Son of a Canadian Leader, Follows His Own Path to Power". 20 Oktubre 2015. Nakuha noong 11 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kaufman (2000-09-29).