Tatlong haligi ng Unyong Europeo

Mula 1991 hanggang 2009, legal na binubuo ang Unyong Europeo (UE) ng tatlong haligi. Nagsimula itong gamitin sa pagpapabisa ng Tratado ng Maastricht noong 1 Nobyembre 1991, at ito ay nagwakas noong 1 Disyembre 2009 sa pagpapatibay ng Tratado ng Lisbon, kung saan nagkamit ang UE ng pinagsanib na legal na personalidad.

Ang mga tatlong haligi ay binubuo ng mga sumusunod:

  1. Hinawakan ng haligi ng mga Pamayanang Europeo ang mga patakarang ekonomiko, panlipunan at pang-kalikasan. Tatlong magkahiwalay na organisasyon ang bumuo sa haliging ito: ang Pamayanang Europeo, ang Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero (nawalan ng bisa noong 2002) at ang Pamayanang Europeo ng Enerhiyang Atomiko.
  2. Hinawakan ng haligi ng Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad ang mga pangangailangang may kaukulan sa ugnayang panlabas at sa militar
  3. Idinulot ng Kooperasyong Pampulisya at Pang-hukuman sa mga Suliraning Kriminal ang kooperasyon sa laban sa krimen. Dati itong ipinangalan na Ugnayang Interyor at Pang-hukuman.

Talangguhit

baguhin
Unyong Europeo
Mga Pamayanang Europeo Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad (CFSP) Kooperasyong Pampulisya at Pang-hukuman sa mga Suliraning Kriminal (PJCC)
Pamayanang Europeo (EC):
Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero (ECSC; hanggang 2002):
Pamayanang Europeo ng Enerhiyang Atomiko (EURATOM):
Patakarang panlabas:
Patakarang panseguridad:
Unang haligi: Paraan ng pagsasamang pampanayan Ikalawang haligi: Paraan ng kooperasyong intergubermental Ikatlong haligi: Paraan ng kooperasyong intergubermental

Nagkakaroon ng iba't-ibang balanse sa pagitan ng mga prinsipyong supranasyonal at intergubermental sa loob ng bawat haligi.

Silipin din

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin