Batang Taung
Ang Batang Taung o Sanggol na Taung ang fossil na bungo ng isang batang indibidwal na Australopithecus africanus. Ito ay tinatayang may edad na 2.5 milyong taong gulang. Ito ay natuklasan noong 1924 ng mga nagtitibag para sa Northern Lime Company sa Taung, South Africa. Ito ay inilarawan ni Raymond Dart bilang isang bagong species sa journal na Nature noong 1925 at binigyang pangalan na Australopithecus africanus("katimugang bakulaw ng Aprika").[1] Ito ang unang panahon na ang Australopithecus ay ibinigay sa anumang hominid. Ang foramen magnum nito ay matatagpuan sa ilalim ng bungo na nagpapakitang ito ay naglalakad ng nakatindig. Inangkin ni Dart na ang bungo nito ay isang pagitang species sa pagitan ng mga bakulaw at mga tao ngunit ito ay hindi tinanggap ng pamayanang siyentipiko sa panahong ito dahil sa paniniwalang ang isang malaking kapasidad ng bungo ay dapat mauna sa bipedal na lokomosyon. Pagkatapos lamang ng 20 taon na ito ay tinanggap bilang isang bagong henus at ito ay tunay na kasapi ng Homininae.
Catalog number | Taung 1 |
---|---|
Common name | Taung Child |
Species | Australopithecus africanus |
Age | 2.5 mya |
Place discovered | Taung, South Africa |
Date discovered | 1924 |
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.