Tenzing Norgay
Si Tenzing Norgay (Mayo 29, 1914 – Mayo 9, 1986) ay isang Sherpa na mang-aakyat ng bundok. Noong panahon ng kaniyang buhay, nagkaroon siya ng maraming mga asawa dahil bahagi ang gawi na ito sa estilo ng pamumuhay ng mga Sherpa. Si Norgay at si Edmund Hillary ang unang mga tao na nakarating sa tuktok ng Bundok Everest noong Mayo 29, 1953. Ipinanganak si Norgay sa Lambak ng Kharta, Nepal. Namatay siya sa Darjeeling, India noong ang edad niya ay 71.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Nepal ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.