Sherpa
Ang Sherpa (Tibetano:ཤར་པ། o "silanganing mga tao", mula sa shar na nangangahulugang "silangan" at pa na may ibig sabihing "mga tao") ay isang pangkat etnikong nagmula sa pinakamabundok na rehiyon ng Nepal, na nasa taas ng mga Himalaya. Naglakbay sila magmula sa silanganing Tibet patungo sa Nepal sa loob ng huling 300 hanggang 400 mga taon. Karaniwan silang tumutulong upang maging gabay ng mga dayuhang tao sa paglalakbay sa mga bulubundukin. Minsan din silang namumuhay sa daang-akyat ng Bundok ng Everest. Isa sa kilalang Sherpa si Tenzing Norgay, na tumulong kay Edmund Hillary na akyatin ang tuktok ng Bundok ng Everest.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.