Bundok Everest

(Idinirekta mula sa Bundok ng Everest)

Ang Bundok Everest ay ang pinakamataas na bundok sa Daigdig, kapag sinusukat ang taas ng tutok higit sa kapatagan ng dagat. Nasa hangganan sa pagitan ng Nepal at Tsina ang mga palupo ng tutok ng Everest. Inaakalang tumataas ang tuktok ng Everest sa tulin na mga 4 milimetro bawat taon[1] Naka-arkibo 2007-07-12 sa Wayback Machine..

Bundok Everest
Pinakamataas na punto
Kataasan8,848 metro (29,028 talampakan)
Unang pinakamataas
Prominensya8,848 metro
Isolasyon40,008 km (24,860 mi) Edit this on Wikidata
Mga koordinado27°59′16″N 86°56′40″E / 27.98778°N 86.94444°E / 27.98778; 86.94444
Heograpiya
LokasyonNepal at China (Tibet)
Magulanging bulubundukinKhumbu Himal

Pagpapangalan

baguhin

Sa Nepal, tinatawag ang bundok bilang Sagarmatha para sa "Noo ng Langit. Chomolungma o Qomolangma ("Ina ng Sansinukob") ang tawag naman sa wikang Tibet , o sa Intsik: 珠穆朗瑪峰 (pinyin: Zhūmùlǎngmǎ Fēng) o 聖母峰 (Shèngmǔ Fēng).

Nabigyan ng pangalang Ingles ang bundok ni Andrew Waugh, ang Briton na surveyor-general ng India. Sa kadahilanang sarado ang Nepal at Tibet sa banyagang paglalakbay, sinulat niya:

(Sa wikang Ingles)

...I was taught by my respected chief and predecessor, Colonel Sir Geo. Everest to assign to every geographical object its true local or native appellation. … But here is a mountain, most probably the highest in the world, without any local name that we can discover, whose native appellation, if it has any, will not very likely be ascertained before we are allowed to penetrate into Nepal... In the meantime the privilege as well as the duty devolves on me to assign … a name whereby it may be known among citizens and geographers and become a household word among civilized nations.

(Salin sa wikang Tagalog)

...Tinuruan ako ng aking ginagalang na pinuno at sinundan, si Koronel Sir Geo. Everest na italaga ang bawat heograpikal na bagay sa kanyang tunay na lokal o katutubong pangalan. … Ngunit nandito ang isang bundok, marahil ang pinakamataas sa buong mundo, na walang lokal na pangalan na maaari nating matuklasan, kung mayroon man, hindi marahil ito matiyak bago tayo mapahintulot na pumasok sa Nepal...Samantala ang pribelehiyo gayon din ang tungkulin nakaatang sa akin na magtalaga … isang pangalan kung saan makikilala ng mga mamamayan at heograpiko at magiging salita ng sambahayanan ng mga bansang sibilisado.

Dahil dito pinili ni Waugh ang pangalan ni George Everest bilang pangalan ng bundok, na unang ginagamit ang baybay na Mont Everest, at pagkatapos Mount Everest. Bagaman, iba ang makabagong pagbigkas ng Everest – IPA: [ˈɛvərɪst] or [ˈɛvərɨst] (EV-er-est) – sa pagbigkas ni Sir George sa kanyang sariling apelido, na binibigkas bilang [ˈiv;rɪst] (EAVE-rest).

Noong 2002, inilimbag ng Tsinong pahayagan na People's Daily ang isang artikulo na kinakalaban ang patuloy na paggamit ng Ingles na pangalan ng bundok sa Kanluraning mundo, na pinagpipilitang dapat gamitin ang pangalang Tibet nito. [2]

Inimbento ang pangalang Sagarmatha ng Nepal noong unang bahagi ng dekada 1960 nang napagtanto ng pamahalaan ng Nepal na walang pangalang lokal ang Bundok Everest. Dahil hindi kilala ang bundok at hindi pinangalan ng mga etnikong Nepal (ang lambak ng Kathmandu at mga napapaligirang lugar). Hindi katanggap-tanggap ang pangalang Sherpa/Tibet na Chomolangma dahil laban ito sa pagkakaisa ng bansa.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.