Thalia (awa)
- Para sa karagdagang kabatiran hinggil sa musa na may ganitong pangalan, tingnan ang Thalia (musa). Para sa ibang paggamit, tingnan ang Thalia (paglilinaw).
Sa mitolohiyang Griyego, ang Thalia ay ang pangalan ng dalawang mga diyosa:
- Si Thalia (Θαλία / Thalía, "Kasaganahan") ay isa sa tatlong mga Awa (mga Grasya) o Charites na nasa piling kaniyang dalawang mga kapatid na babae na sina Aglaea at Euphrosyne. Sila ang mga anak na babae ni Zeus na maaaring mula sa mga Oceanid na si Eurynome o kaya si Eunomia, diyosa ng mabuting kaayusan o pagkakasunud-sunod at kaasalang makabatas. Si Thalia ay ang diyosa ng pagdiriwang o kapistahan at masaganang mga handaan. Ang salitang Griyegong thalia ay isang pang-uri na inilalapat sa mga handaan o mga kainan, na nangangahulugang mayaman, marami, maluho at masagana.[1]
- Si Thalia (Θαλεια / Thaleia, “Namumulaklak”) ay isa sa siyam na mga Mousai (Mga Musa), mga diyosa ng musika, awitin at sayaw.[2] Siya at ang kaniyang mga kapatid na babae ay mga anak na babae nina Zeus at Mnemosyne na diyosang Titan ng alaala o memorya. Ang pangalan ni Thalia ay hinango mula sa salitang Griyegong thaleia, na may kahulugang "namumulaklak." Si Thalia ay ang Musa ng komedya, at kadalasang inilalarawan sa sining na nakasuot ng isang maskarang komiko o pangkomedya at koronang bulaklak na lipay (baging) at may hawak na isang tungkod ng pastol.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Theoi.com: Kharis Thalia http://www.theoi.com/Ouranios/KharisThalia.html
- ↑ Theoi.com: Mousa Thaleia http://www.theoi.com/Ouranios/MousaThaleia.html
- ↑ Theoi.com: Mousa Thaleia http://www.theoi.com/Ouranios/MousaThaleia.html
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.