Thalia (musa)
- Para sa isa sa tatlong mga Grasya, tingnan ang Thalia (awa). Para sa iba pang mga paggamit, tingnan ang Thalia (paglilinaw).
Si Thalia /θəˈlaɪə/ (Sinaunang Griyego: Θάλεια, Θαλία; "ang masayahin, ang namumukadkad", mula sa Sinaunang Griyego: θάλλειν, thállein; "mamukadkad, maging lunti", "maging sariwa") ay ang Musa na nangangasiwa ng komedya (katatawanan) at ng panulaang idiliko. Sa ganitong diwa, ang pangalan niya ay nangangahulugang "namumukadkad", dahil ang mga papuri sa kaniyang mga awitin ay namumukadkad sa paglipas ng panahon.[1] Siya ang anak na babae nina Zeus at Mnemosyne, ang pangwalong ipinanganak sa pangkat ng siyam na mga Musa.
Ayon kay pseudo-Apollodorus, siya at si Apollo ay ang mga magulang ng Corybantes.[2] Subalit, ayon sa iba pang mga sinaunang napagkunan ng kabatiran, mayroong ibang mga magulang ang Corybantes.[3]
Inilalarawan siya bilang isang babaeng nasa kaniyang kabataan na masayahin, na may koronang lipay o baging, na nakasuot ng mga bota at may tangan na isang maskarang komiko. Marami sa kaniyang mga estatwa ang humahawak din ng isang tambuli o pakakak at isang trumpeta (na kapwa ginagamit upang suportahan ang mga tinig ng mga aktor sa sinaunang komedya), o kung minsan ay may hawak siyang tungkod ng pastol o koronang bulaklak ng baging.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Theoi Project - Mousa Thaleia
- ↑ Apollodorus, Bibliotheca, 1.3.4.
- ↑ Sir James Frazer's paunawa ukol sa talatang nasa Bibliotheca.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.