That's My Doc
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang That's My Doc ("Iyan ang aking manggagamot" kapag isinalin) ay isang nakakatawang palabas na pangkatapusan ng isang linggo mula sa ABS-CBN. Nagsimula siya noong 2007, na kinabibidahan ni Aga Muhlach. Ang ibang mga karakter ng teleseryeng ito ay sina Precious Lara Quigaman, Bayani Agbayani, Pokwang Subong at Nova Villa.
Salaysay
baguhinSi Dr. Agaton (Aga Muhlach) ay isang doktor nasa misyon para makatulong sa ibang tao (lalo na sa mga bata). Nakatira siya sa isang baranggay na kasama ang kanyang nobyang si Greta (Precious Lara Quigaman). Araw-araw siyang tumutulong sa ibang mga tao at batang nasa "krisis" kaya "magulo" ang baranggay magulo kung merong problema. Pero sa katapusan lahat ay naaayos din.
Ang mga gumaganap
baguhin- Aga Muhlach bilang Doc Agaton Abogado
- Nova Villa bilang Octavella Flores o Tita Ocs
- Roderick Paulate bilang Major Ret Retualo
- Bayani Agbayani bilang Buddy
- Pokwang Subong bilang Cita