That Thing Called Tadhana

Ang That Thing Called Tadhana ay isang pelikulang romantiko-komedyang Pilipino na nagtatampok kina Angelica Panganiban at JM De Guzman. Bago ito malawakang ilabas noong 2015, isa itong kalahok sa 2014 Cinema One Originals Film Festival kung saan nagkamit ito ng matataas na pagkilala, kabilang na ang gantimpalang Pinakamahusay na Aktres para kay Panganiban. Ito ay sa direksiyon ng pinupuring bagong direktor na si Antoinette Jadaone[1] na nakatrabaho na ni Panganiban sa pelikulang komedya noong 2014 na Beauty in a Bottle.

That Thing Called Tadhana
DirektorAntoinette Jadaone
PrinodyusBianca Balbuena
Dan Villegas
SumulatAntoinette Jadaone
Itinatampok sinaAngelica Panganiban
JM De Guzman
MusikaEmerzon Texon
SinematograpiyaSasha Palomares
In-edit niBenjamin Gonzales Tolentino
Produksiyon
TagapamahagiStar Cinema
Inilabas noong
  • 10 Nobyembre 2014 (2014-11-10)
(bilang bahagi ng Cinema One Originals Film Festival)
  • 4 Pebrero 2015 (2015-02-04)
(buong bansa)
BansaPilipinas
Wika
  • Tagalog
  • Ingles
Badyet₱2 milyon
Kita₱120 milyon

Pinuri at naging matagumpay ang paglalabas ng pelikula at itinuturing na pinakamatagumpay na paglalabas ng isang nagsasariling pelikula (independent film) sa ngayon, na nakamit na ang ₱120 milyong kabuuang kita sa loob lamang ng 3 linggo, kahit na ito'y nahaharap sa isyu ng pamimirata online habang ito'y ipinalalabas.[2][3] Nakatanggap ito ng katamtamang rating na 8.8/10 sa IMDB[4] at isang perpektong limang bituin sa sityong nagrerepaso ng mga lokal na pelikula, ang ClickTheCity.com.[5] Dagdag pa rito'y binigyan ito ng gradong "A" ng Lupong Tagahatol ng Pelikula (Cinema Evaluation Board) at binigyan ng Rated PG ng MTRCB.[6][7]

Balangkas

baguhin

Kaligiran

baguhin

Itinuturing ng direktor na si Antoinette Jadaone ang That Thing Called Tadhana bilang kanyang "pangarap na proyekto" at inilarawan ito bilang "higit na sampung taóng halaga ng mga kuwento ng pag-ibig, kabiguan, sakit, pait at pagtanggap."[8] Ang pangunahing tauhan, si Mace ay unang nalikha noong 2014 habang ginagawa ni Jadaone ang pelikulang Relaks, It's Just Pag-Ibig; nagkaroon ng sandaling paglitaw (cameo appearance) ang tauhan sa nasabing pelikula subalit ito ay ginampanan ni Alessandra De Rossi sa halip na si Panganiban.[9] Noong post-production na ng pelikula, sinubok ang pagkakaisa ng mga crew nang pinagbayad sila ng mga dayuhang tagapaglathala ng awiting nais nilang gamitin, ang Where Do Broken Hearts Go? ni Whitney Houston, ng halagang ₱220,000 para sa karapatan sa paggamit nito - subalit ang ₱2 milyong badyet na inilaan sa kanila ng film festival ay nagamit na lahat. Kinalaunan, humingi ng tulong ang crew sa kanilang mga kaibigan upang mag-ambag ng ₱500 kada isa, kapalit nito ay mababanggit sila sa ending credits ng pelikula habang ipinakikita ang behind-the-scenes.[10][11]

Tinatanong ng pelikula ang "Saan nagtutungo ang mga pusong bigo?" (Where do broken hearts go?), at isinasalaysay ang kuwento ng isang babae, si Mace (Angelica Panganiban), na nahihirapang makalampas sa requirements ng bagahe ng paliparan sa Roma, Italya, at nakilala naman ang lalaking si Anthony Lagdameo (JM de Guzman), na siyang tumulong sa kanya. Parehong galing sa nabigong pag-ibig, isang nakatutuwang pagkakaibigan ang nabuo, na magdadala sa kanila sa Sagada upang tangkaing buuin ang nawasak na puso ng isa't-isa.

Mga tauhan

baguhin

Espesyal na pagganap

baguhin

Mga parangal at nominasyon

baguhin
Parangal Taon Kategorya Ginawaran Resulta
2014 Cinema One Originals Film Festival 2014 Pinakamahusay na Aktres Angelica Panganiban Nanalo
Audience Choice That Thing Called Tadhana
Champion Bughaw Award for Full-length Feature
Pinakamahusay na Pelikula Nominado
Ika-13 Gawad Tanglaw Pinakamahusay na Aktres Angelica Panganiban (tabla kay Nora Aunor) Nanalo
2014 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Ikatlong Puwesto, Pinakamahusay na Screenplay Antoinette Jadaone Nanalo

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jaucian, Don (25 Okt 2014). "Woman Under the Influence: Antoinette Jadaone". Philstar.com. Pilipinas. Nakuha noong 01 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. "'That Thing Called Tadhana' gross now at P120M". Star Cinema. Pilipinas: ABS-CBN Corporation. 19 Peb 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 21 Pebrero 2015. Nakuha noong 01 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  3. "Angelica calls out fans on 'Tadhana' piracy". abs-cbnnews.com. Pilipinas. 20 Peb 2015 6:03 PM. Nakuha noong 01 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  4. "User ratings for That Thing Called Tadhana (2014)". IMDB. IMDB.com, Inc. Nakuha noong 01 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  5. Dy, Philbert (04 Peb 2015 1:00 AM). "'That Thing Called Tadhana' Strips Romance Down to the Core". ClickTheCity.com. Pilipinas: Surf Shop, Inc. Nakuha noong 01 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  6. "'That Thing Called Tadhana' is Graded A by CEB". Star Cinema. Pilipinas: ABS-CBN Corporation. 03 Peb 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Abril 2015. Nakuha noong 01 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  7. "'That Thing Called Tadhana' is rated PG". Star Cinema. Pilipinas: ABS-CBN Corporation. 01 Peb 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Abril 2015. Nakuha noong 01 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  8. Pastor, Pam (30 Ene 2015 12:38 AM). "Six degrees of Antoinette Jadaone". Inquirer.net. Pilipinas: Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  9. Bautista, Mario (16 Peb 2015). "That Thing Called Tadhana' Made On A Limited Budget Now Nearing P100 Million Mark". Showbiz Portal. Pilipinas: Mario Bautista. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  10. Dumaual, Jose Miguel (27 Ene 2015 5:14 PM). "Broken-hearted, can't move on? Let 'Tadhana' movie help you". ABS-CBN News.com. Pilipinas: ABS-CBN Interactive. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  11. Pastor, Pam (07 Nob 2014 6:40 AM). "Be a part of 'That Thing Called Tadhana'". Inquirer.net. Pilipinas: Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)

Mga panlabas na kawing

baguhin