Relaks, It's Just Pag-Ibig

Ang Relaks, It's Just Pag-Ibig ay isang pelikulang romantiko-komedyang Pilipino na ipinalabas noong 2014. Pinagbibidahan ito nina Iñigo Pascual, Julian Estrada, at Sofia Andres. Ito ay sa direksiyon ni Antoinette Jadaone na siya ring direktor ng mga pelikulang Beauty in a Bottle at That Thing Called Tadhana. Ang pelikula rin ang naging lunsaran ng mga baguhang artistang sina Pascual, Estrada at Andres.

Relaks, It's Just Pag-Ibig
DirektorAntoinette Jadaone
Irene Villamor
PrinodyusJoyce Bernal
Piolo Pascual
Erick Raymundo
Shayne Sarte
SumulatAntoinette Jadaone
Irene Villamor
Itinatampok sinaIñigo Pascual
Julian Estrada
Sofia Andres
SinematograpiyaDan Villegas
In-edit niMarla Ancheta
Joyce Bernal
Produksiyon
Spring Films
TagapamahagiStar Cinema
Inilabas noong
  • 12 Nobyembre 2014 (2014-11-12)
Haba
100 minuto
BansaPilipinas
Wika
  • Tagalog
  • Ingles
Kita₱4,954,361[1] ($110,562)[2]

Binigyan ng perpektong limang bituin ng mga kritiko ang pelikula mula sa sityong ClickTheCity.com na nagrerepaso ng mga lokal na pelikula, at Rated PG naman mula sa MTRCB.[3] Bukod dito, nakatanggap ito ng katamtamang rating na 8.2/10 ng IMDB.[4] Ginawaran din ito ng gradong A ng Lupong Tagahatol ng Pelikula (Cinema Evaluation Board).[5] Positibo rin ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pelikula at naging pangunahing trending topic pa ito sa sityo para sa social networking na Twitter noong unang araw ng pagpapalabas ng pelikula.[6]

Umiikot ang istorya ng Relaks, It's Just Pag-Ibig sa isang 16-taong gulang na babaeng si Sari (Sofia Andres), na nakapulot ng isang liham ng pag-ibig na isinulat ng isang lalaking nagngangalang Elias para sa isang babaeng nagngangalang Salome. Ninais ni Sari na makatagpo silang dalawa sa ilalim ng bughaw na buwan sa isang dalampasigan sa Leyte. Hinatak niya si Josh (Iñigo Pascual), isang di-naniniwala sa pag-ibig, sa kanyang paglalakbay maging ang kanyang matalik na kaibigang si Kiko (Julian Estrada), na lihim na umiibig kay Sari.

Mga tauhan

baguhin

Mga pangunahing tauhan

baguhin

Mga katulong na tauhan

baguhin

Pagtanggap sa pelikula

baguhin

Mga puna ng kritiko

baguhin

Positibo ang naging pagsusuri sa pelikula ni Oggs Cruz ng Rappler, at sinabi nitong nakabibighani ang kasimplehan ng pelikula. Nabanggit din niyang naitaas ng pelikula ang istorya ng pag-ibig sa puntong higit na nagbibigay-halaga, nang hindi nababago ang mismong istorya. Aniya, "Taglay pa rin ng Relaks, It’s Just Pag-Ibig ang pormula, subalit binudburan ito ng toneladang dami ng pagiging makatao. Nagaganap ang pinakamahiwagang mga sandali ng pelikula kapag ang mga pangkaraniwang pagsasama ng mga uri (genre) ay idinidikit sa mga pambihirang biruan sa pelikula." Ayon pa kay Cruz, "Sa panahong kung saan karamihan sa mga tauhan mula sa mga romantikong komedya ay umaarte nang hindi naaayon sa kanilang edad, kung saan gumaganap na parang matatanda ang mga kabataan at ang mga matatanda'y ginagaya ang mga kabataan, ang pagpupumilit ng pelikulang manatiling tapat sa diwa ng pagiging kabataan ay natugunan."[7]

Naging halo naman ang reaksiyon ni Jonell Estillore ng Film Police sa pelikula, na ayon sa kanya, "Habang nagtutungo sila sa pagkunot ng noo at magalaw na mga matang di-sigurado kung saan titingin, mahihinuha mong mahirap paniwalaan kung ano ang kanilang sinasabi, lalo na kung saan sila nanggagaling." Binanggit niya ring sa unang tingin, may sapat na chemistry na taglay sa mga tauhan upang kabaliwan ng mga manonood, dahil sa makabagong panahon, higit na mahalaga ang pisikal na kaanyuan para sa mga kabataan sa mga lokal na pelikula, lalo na sa mga pelikulang uring romantiko-komedya na ngayon ay nagiging paksa sa henerasyon ng mga "hugot". Sa huli, sinabi ni Estillore na "Dahil walang bagong maiaalok, ang mga manonood na ang bahalang humusga kung kailangan pang maghalungkat sa pelikula upang makakuha ng bago at mapakikinabangan, kung hindi, magiging takaw-tingin lamang ang palabas."[8]

Binigyan ni Philbert Ortiz Dy ng ClickTheCity.com ng limang perpektong bituin ang pelikula sa kanyang naging pagsusuri. Ayon sa kanya, "hindi maikakailang nakakakilig ang pelikula, kahit na ipinakikita nito ang matinik na katotohanan kapag nabigo sa pag-ibig. Sabi nga ng pamagat, hindi hinayaan ng pelikulang maging masyadong seryoso ang mga tagpo, dahil sa huli, mga bata pa rin sila. Hinayaan ng pelikulang maging bata ang mga bata, na pagdaanan nila ang mga kakatuwang mga sandali ng pagiging bata at nagmamahal. At kasama na rito ang pakikipag-away, pagtatampo, pagsingit sa pamamagitan ng pagkanta at pakikipagbati. Kilig lang ang lahat, at laman ng mga eksena ang masasabi mong mga alaala ng unang pag-ibig." Bagama't puna lang niya ay ang karakter ni Cupcake (Ericka Villongco), na nagsabing "Inilagay siya sa pelikula bilang isang nakikitang kontrabida, isang simbolo ng lahat ng kailangang iwan ni Joshua, subalit hindi talaga ito kailangan ng pelikula. Tama nang ipakita siya sa maikiling eksena."[9]

Sa takilya

baguhin

Kumita ang pelikula ng mahigit ₱4.9 milyon sa pagpapalabas nito, na naging ika-15 sa talaan ng mga pelikulang kumita sa Pilipinas noong 2014.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "'Moron 5.2′ Grosses P33.1-M in 2 Weeks, 'Relaks It's Just Pag-ibig' Earns P4.95-M". Starmometer. Pilipinas: Starmometer.com. 23 Nob 2014. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. 2.0 2.1 "Philippines Yearly Box Office 2014". Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  3. "Relaks, It's Just Pag-Ibig (2014)". ClickTheCity.com. Pilipinas: Surf Shop, Inc. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. "Relaks, It's Just Pag-Ibig (2014)". IMDB. IMDB.com, Inc. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  5. "'Relaks, It's Just Pag-Ibig' graded A by the CEB". Star Cinema. Pilipinas: ABS-CBN Corporation. 12 Nob 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2014. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  6. "Netizens give 'Relaks, It's Just Pag-ibig' a thumbs up". Star Cinema. Pilipinas: ABS-CBN Corporation. 13 Nob 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Nobiyembre 2015. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |archive-date= (tulong)
  7. Cruz, Oggs (14 Nob 2014 5:05 PM). "'Relaks, It's Just Pag-Ibig' Review: Love letter to teen romance". Rappler. Pilipinas: Rappler.com. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  8. Estillore, Jonell (24 Nob 2014). "Film: Relaks, It's Just Pag-ibig". Film Police. Pilipinas: Film Police. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Disyembre 2014. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  9. Dy, Philbert (13 Nob 2014 1:44 PM). "First Love is an Adventure in 'Relaks, It's Just Pag-Ibig'". ClickTheCity.com. Pilipinas: Surf Shop, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Enero 2015. Nakuha noong 07 Mar 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)

Mga panlabas na kawing

baguhin