Si Tintin ( /ˈtɪntɪn/;[1] Pranses: [tɛ̃tɛ̃]) ay isang kathang-isip na karakter at ang bida ng The Adventures of Tintin, isang serye ng komiks ng kartunistang si Hergé na mula sa Belgium. Siya ay isang tagapag-ulat at abenturero na naglalakbay sa buong sanlibutan kasama ang kanyang aso na si Snowy. Nilikha ang karakter noong 1929 at ipinakilala sa Le Petit Vingtième, isang lingguhang suplementong pangkabataan ng pahayagan sa Belgium na Le Vingtième Siècle. Lumalabas siya bilang isang kabataang lalaki, na nasa gulang na 14 hanggang 19 na may bilugang mukha at buhok na sinuklay ng pataas at pababa mula sa kanyang noo. May katalinuhan si Tintin at naipagtatanggol ang sarili, at siya ay matapat, desente, maawain at mabait. Sa kanyang mga mausisang pag-uulat, mabilis na pag-isip at pagiging taong-panlahat na may likas na kabutihan, laging nalulutas ni Tintin ang mga kababaglaghan at natatapos ang mga pakikipagsapalaran.

Tintin
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaCasterman (Belgium)
Unang paglabasTintin in the Land of the Soviets (1929)
in The Adventures of Tintin
TagapaglikhaHergé

Sa ibang media

baguhin

Pilmograpiya ni Tintin

baguhin
Mga pelikulang live-action
  • 1961 : Tintin and the Golden Fleece (Tintin et le Mystère de la Toison d'or) ni Jean-Jacques Vierne
  • 1964 : Tintin and the Blue Oranges (Tintin et les Oranges bleus) ni Philippe Condroyer
Mga pelikulang
  • 1947 : The Crab with the Golden Claws (Le Crabe aux pinces d'or) ni Claude Missone
  • 1964 : The Calculus Chase ni Ray Goossens
  • 1969 : Tintin and the Temple of the Sun (Tintin et le Temple du Soleil) ni Raymond Leblanc
  • 1972 : Tintin and the Lake of Sharks (Tintin et le lac aux requins) ni Raymond Leblanc
  • 2011 : The Adventures of Tintin (Les Aventures de Tintin : Le Secret de la Licorne) ni Steven Spielberg
Seryeng pantelebisyon
  • 1957-1961 : Hergé's Adventures of Tintin (seryeng animasyon)[2]
  • 1991-1993 : The Adventures of Tintin (seryeng animasyon na may 21 kabanata) (3 season na may ilang 13 kabanata)

Silipin din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Mga sulat

baguhin

Mga nabanggit

baguhin
  1. Wells, John C. (2008). Longman Pronunciation Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Longman. ISBN 978-1-4058-8118-0. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Planète Jeunesse (sa Pranses)

Bibliograpiya

baguhin

Karagdagang pagbabasa

baguhin
baguhin