Professor Calculus

Komikong karakter ng Belhikong karikaturistang si Hergé

Si Professor Cuthbert Calculus (Pranses: Professeur Tryphon Tournesol [pʁɔ.fɛ.sœʁ tʁi.fɔ̃ tuʁ.nə.sɔl],[1] nangangahulugang Professor Tryphon Sunflower) ay isang kathang-isip na karakter mula sa seryeng The Adventures of Tintin ng kartunistang si Hergé. Siya ang kaibigan ni Tintin, isang makakalimuting propesor at medyo-binging pisista, na nag-imbento ng maraming sopistikadong mga aparato na ginamit sa serye, tulad ng isahang-tao na submarino na hugis pating, isang rocket na pambuwan at sandatang ultrasound.

Ang kabingihan ni Calculus ay madalas na nagiging katatawanan sa kanyang mga pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao, dahil madalas niyang ulitin kung ano ang iniisip na narinig niya, karaniwan sa mga pinaka hindi posibleng mga salita. Hindi niya inaamin na halos bingi na siya at ginigiit na konti lamang ang kanya pagkabingi sa isang tainga.

Mga inspirasyon

baguhin
 
Si Auguste Piccard noong 1932. Bahagiang minodelo siya sa karakter na Propesor Calculus

Bahagiang minodelo si Calculus sa imbentor na si Auguste Piccard (1884-1962). Sinabi ni Hergé sa isang pakikipanayam sa Numa Sadoul: "Si Calculus ay isang pinapandak na Piccard, dahil matangkad siya. Mayroon siyang tuluy-tuloy na leeg na umusbong mula sa kuwelyo na labis na napakalaki...Ginawa ko si Calculus bilang isang maliit na Picard, kung hindi ko gagawin iyon, kailangan kong palakihin ang isang Walang tigil na leeg na sumibol mula sa kwelyo na sobrang malaki ... Ginawa ko ang Calculus isang mini-Piccard, kung hindi man ay kailangan kong palakihin ang mga kuwadro ng istrip ng kartun." [2] Ang pisikong propesor na Suwiso ay hinirang upang magturo sa Brussels nang makita ni Hergé ang kanyang di-mapag-aalinlanganang pigura sa kalye. Sa The Castafiore Emerald, binanggit ni Bianca Castafiore na si Calculus ay "sikat sa kanyang mga paglipad ng lobo", isang tumbalik na pagtukoy kay Piccard.

Iminungkahi ni Philippe Goddin na kinuha ang inspirasyon ng pagkabingi ni Calculus sa pamamagitan ni Paul Eydt, na kilala ni Hergé sa Le Vingtième Siècle kung saan unang lumabas ang mga pakikipagsapalaran ni Tintin.[3] Ang orihinal na pangalan ng Cuthbert Calculus sa Pranses ay "Tryphon Tournesol" at ang Tryphon ang pangalan ng tubero ni Hergé.[3]

Kabaligtaran sa kanyang hindi mapag-aalinlanganang mga katangian siyentipiko, sa Calculus ay isang taimtim na mananampalataya sa dowsing (isang uri ng paghula), at nagdadala ng pendulo para sa layuning iyon. Si Hergé mismo ay isang mananampalataya din ng dowsing: ang mananampatalaya ng dowsing' na si Victor Mertens ay ginamit ng isang pendulo upang mahanap ang nawalang singsing pang-kasal ng asawa ni Hergé noong Oktubre 1939.[3]

Si Calculus at ang kanyang mga kasamahan

baguhin

Bago lumabas si Calculus sa Red Rackham's Treasure, itinanghal ni Hergé ang iba pang mataas na edukado ngunit sira-sira iskolar at siyentipiko, tulad ng sumusunod:

  • Si Sophocles Sarcophagus ng Cigars of the Pharaoh na nagpakita ng mga palatandaan ng pagiging padaskul-daskol at malilimutin bago maging ganap na baliw.
  • Ang makakalimutin na propesor na lumabas sa The Broken Ear na isang karakter na nakalimutan ang kanyang mga salamin sa mata, nagsusuot ng amerikanang ng isang babaeng tapaglinis, hinahawakan ang kanyang tungkod na pabaligtad na parang isang payong, napagkamalang isang tao ang isang loro at iniwan ang kanyang maleta sa isang poste ng ilaw. Sa orihinal na edisyon na inilathala noong 1935, ang kanyang pangalan ay ibinigay bilang Propesor Euclide, pagkatapos ng matematikong Griyego na kilala bilang "Ama ng Heometriya."
  • Si Propesor Hector Alembick sa Hari Ottokar's Scepter, na may masamang ugali na pagtatapon ng sigarilyo sa sahig.
  • Ang dalawang astronomo mula sa The Shooting Star na nagpakita din ng hindi pangkaraniwang at, sa isang kaso, isang pagkasira ng ulo na pag-uugali: si Propesor Philippulus, o "Philippulus the prophet" ay kinakatawan ang mga suliranin na hinaharap ng ilan sa paniniwala sa relihiyon at pananaliksik pang-agham. Sa kaso niya, nagkaroon ng problema ang gusot sa kanyang pag-iisip kapag nalalapit na ang katapusan ng mundo. Pagkatapos, lumibot siya suot ang mga sapin sa higaan at pinalo ang sa isang gong bilang babala sa pangyayari at sa kalunan, nagambala ang bisperas ng pag-alis sa ekspidesyon na pinadala upang hanapin ang isang meteorite.
  • Ang kanyang kasamahan, si Propesor Decimus Phostle, bagaman hindi baliw, ay umasa sa pagkawasak ng mundo na inakala ang prediksyon ay gagawin siyang sikat. Sa kabaligtaran, nagpakita siya ng mga palatandaan ng maturidad sa panahon ng ekspedisyon noong pinatigil niya ang paghahanap para sa meteorite upang matulungan ang isang barkong nasa panganib.

Ang pagpapakilala kay Calculus ay tila binigyan si Hergé ng kakaibang kalikasan na ninais niya na ganapin ng isang tao ng agham. Ang iba pang mga tao ng mataas na edukasyon ay ipinapakita bilang mas matatag at mahinahon. Ang mga miyembro ng arkeolohikong ekspedisyon na nabiktima sa The Seven Crystal Balls ay hindi nagpapakita ng palatandaan ng pagka-eksento. Ang pinakakilalang miyembro ng pangkat na ito ay ang kaibigan ni Calculus na si Hercules Tarragon, kung saan pinasukan niya sa pamantasan. Si Tarragon ay isang malalaki, masayahing tao ngunit hindi naman ibig-sabihin na sira-sira.

Habang na minsa'y iwas siya kapag subsob sa trabaho, nakikipag-ugnayan si Calculus sa ibang mga siyentipiko at tumutulong din ang marami sa kanila sa mga proyekto niya. Partikular, nagtratrabaho siya kay Mr. Baxter at Frank Wolff para sa rocket pambuwan at nakikipag-ugnayan sa eksperto sa ultrasonic na sig Alfredo Topolino ng Nyon sa The Calculus Affair.

Pakikipag-ugnayan sa mga kababaihan

baguhin

Si Calculus ang tanging pangunahing karakter sa serye ng Tintin ang nagpakita ng mga palatandaan ng pagkahumaling sa mga kababaihan. Kapansin-pansin ito sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Bianca Castafiore, kung saan labis siyang nahumaling noong matagal na paglagi ni Bianca sa Bulwagan ng Marlinspike sa The Castafiore Emerald. Sa kanyang paglagi, ang kanyang mga eksperimento sa botanika ay humantong sa kanya upang lumikha ng bagong uri ng rosas, na kanyang ipinangal kay Bianca. Gayunpaman, maligaya niyang binabati si Captain Haddock sa kanyang "kasunduang pagpapakasal" kay Castafiore (sa katunayan isang panlilinlang sa medya na hindi sinasadya ang paggatong niya).

Si Calculus ay namimighati rin sa pagkabilanggo ni Castafiore sa Tintin and the Picaros, at pinagmamatigasan na ipagtangol siya. Sa parehong aklat, ginayuma siya ng di-kaakit-akit na si Peggy Alcazar (asawa ng General Alcazar) at hinahalikan ang kanyang kamay pagkatapos pinulaan ni Alcazar sina Tintin at Haddock (isang pangungusap na ipinagkamali ni Calculus para sa isang mainit na pagbati).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Peeters 2012, p. 341, "Mga pangalan ng karakter sa Pranses at Ingles".
  2. Horeau, Yves The Adventures of Tintin at Sea 1999, English translation 2004 for the National Maritime Museum, published by John Maurray, ISBN 0-7195-6119-1. Chapter on Outside characters drawn into the Adventures. (sa Inges)
  3. 3.0 3.1 3.2 A la recherche du trésor de Rackham le Rouge (Pranses para sa "Sa Paghahanap ng Kayamanan ng Pulang Rackham") ni Hergé, kasama ang komento ni Daniel Couvreur at Frédéric Soumois, inilathala ng Editions Moulinsart noong Nobyembre 2007, ISBN 978-2-87424-160-4 (sa Pranses)

Bibliograpiya

baguhin
  • Farr, Michael (2007). Tintin & Co. London: John Murray Publishers Ltd. ISBN 978-1-4052-3264-7. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Peeters, Benoît (2012) [2002]. Hergé: Son of Tintin. Tina A. Kover (translator). Baltimore, Maryland: Johns Hopkins University Press. ISBN 978-1-4214-0454-7. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)