The Adventures of Tintin

Ang The Adventures of Tintin (Pranses: Les Aventures de Tintin [lez‿avɑ̃tyʁ də tɛ̃tɛ̃]; literal sa Tagalog: Mga Kuwento ng Pakikipagsapalaran ni Tintin) ay isang serye ng mga komiks na nilikha sa Belhika ng kartunistang si Georges Remi (1907-1983), na sumulat sa ilalim ng sagisag-panulat na Hergé. Ang serye ay isa sa mga pinakasikat na komiks mula sa Europa sa ika-dalawampung siglo. Noong 2007, isang siglo pagkatapos ng kapanganakan ni Hergé,[1] may mga nalathalang salin ang Tintin sa higit na 50 wika at nakapagbenta ng higit sa 200 milyong kopya ng aklat.[2]

Ang serye ay unang lumabas sa wikang Pranses sa Le Petit Vingtième (Ang Malinggit na Ika-dalawampu), isang pambatang suplemento para sa pahayagang Belhiko na Le XXe Siècle (Ang Ika-dalawampung Siglo) noong Enero 10, 1929. Nakita ng tagumpay ng serye ang mga seryeng istrip na nalathala sa nangungunang pahayagan ng Belhika na Le Soir at humantong sa matagumpay na spin-off na magasin na Tintin. Pagkatapos ng 1950, inilikha ni Hergé ang Studios Hergé, kung saan ginawa ang kanonikong serye ng dalawampu't apat na album. Inihalaw rin ang The Adventures of Tintin para sa radyo, telebisyon, teatro, at pelikula.

Hinangaan ang serye para sa malinis at makahulugang mga guhit sa kakaibang huwaran ni Hergé na ligne claire ("maliwanag na linya") na istilo.[3]

Mga karakter

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Pollard 2007; Bostock & Brennan 2007; The Age 24 Mayo 2006; Junkers 2007.
  2. Farr 2007a, p. 4.
  3. Screech 2005, p. 27; Miller 2007, p. 18; Clements 2006; Wagner 2006; Lichfield 2006; Macintyre 2006; Gravett 2008.