Si Pedro Borrego Galla o mas kilala sa pangalang Tito Galla (isinilang noong Hunyo 8,1935 — Pumanaw Agosto 25,1979) ang nakababatang kapatid ng batikang aktres na si Gloria Galla, o mas kilala sa pangalan niya sa pinilakang tabing bilang si Gloria Romero.

Tito Galla
Kapanganakan
Pedro Borrego Galla

Hunyo 8, 1935
Denver, Colorado, Estados Unidos
KamatayanAgosto 25, 1979 (Gulang na 44)
Philadelphia, Pennsylvania, Estados Unidos
NasyonalidadFilipino
TrabahoArtista
Aktibong taon1955-1976
Anak2
Kamag-anakGloria Romero (kapatid)

Gaya ng kanyang nakatatandang kapatid, ay naging isa rin siyang sikat na artista noong mga dekada '50 hanggang '60 at madalas ring ipareha sa mga magagandang artista noong panahong iyon.

Muli siyang nagkamit ng kasikatan ng gumanap siya sa Pelikulang Uhaw noong 1970, na kinikilalang kauna-unahang Pelikulang Bomba na nagawa sa Pilipinas. Katambal niya rito sila Merle Fernandez at Lito Legaspi. Nagpatuloy siya sa pagganap sa mga pelikula hanggang 1976, ang dahilan ng kanyang maagang pagreretiro'y nang dahil sa kanyang lumalalang karamdaman na siyang naging dahilan ng kanyang Pagpanaw sa Gulang na 44 noong Agosto 25,1979 nang tubuan siya ng Tumor sa Utak sa Philadelphia, Pennsylvania, Estados Unidos.

Naulila ni Tito ang kanyang mga supling, na kalaunan nama'y napunta sa puder ng kanilang Tiyo na si Gilbert Galla, ang kanilang kapatid ni Gloria na hindi tumahak sa daigdig ng pinilakang tabing ngunit mas pinag-igihang pumasok sa daigdig ng pagpapakadalubhasa sa medisina.

Pelikula

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.