Tiyesa
Ang tiyesa[1] (Ingles: lúcuma, lucmo; pangalang pang-agham: Pouteria lucuma[2] ) ay isang uri ng malaman at malunting bunga na hugis bilog o habilog (oval) at may buto. Inihahambing sa pinakuluang matamis na kamote ang madilaw na laman nito. May kakaibang bakas sa panlasa ito matapos kainin. Nilalarawang "kaakit-akit" ang laman ng tiyesa. Matatagpuan at katutubo ito sa mga bahagi ng Hilagang Amerika partikular na sa mga bundok ng Andes sa Chile, Peru, Bolivia, at Ecuador. Matatagpuan rin ito sa Silangang Asya, tulad ng Pilipinas at Thailand.[2] Binabaybay din itong atiyesa, chesa at achesa. Tinatawag itong lúcuma sa Peru, samantalang dien taw[3] naman sa Thailand.
Tiyesa | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Ericales |
Pamilya: | Sapotaceae |
Sari: | Pouteria |
Espesye: | P. lucuma
|
Pangalang binomial | |
Pouteria lucuma (Ruiz & Pav.) Kuntze
|
Umaabot sa mga 25 hanggang 50 talampakan ang puno nito. Nabubuhay ito sa mga subtropikal na mga rehiyon ng mundo, partikular na sa mga elebasyong 9000 hanggang 10,000 sa Peru. Bagaman tumutubo sa maaraw na pook at mga tuyong lokasyon, kinakaya ng puno ang ilang antas ng kalamigan at nabubuhay din sa mga mas malalamig na mga klima. Para magpatubo ng puno, itinatanim ang buto mula sa bunga.[2]
Nakakain ang bunga matapos na pitasin sa puno at nagagamit din sa paggawa ng mga sorbetes o mga minatamis.[2]
Mga kasimpangalan
baguhinNakatala rito ang iba pang mga pangalang pang-agham ng tiyesa:
- Achras lucuma
- Lucuma bifera
- Lucuma obovata
- Lucuma turbinata
- Pouteria insignis
- Pouteria obovata
- Richardella lucuma
Sanggunian
baguhin- ↑ De Guzman, Maria Odulio (1968). "Tiyesa". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Lucuma (Pouteria obovata / Lucuma obovata) o Lucmo, TradeWindsFruit.com
- ↑ Dien taw, "Weird Fruit" (Kakaibang Bunga), Lucuma, EatingAsia.com]
Panlabas na kawing
baguhin- Ang Sining ng Pagkain ng Tiyesa Naka-arkibo 2006-11-14 sa Wayback Machine. ni Don Belardo, isang tula tungkol sa tamang pagkain ng tiyesa, Samut-Sari, Writers group, EManilaPoetry.com
- "Weird Fruit" (Kakaibang Bunga) mula sa EatingAsia