Toliara
Ang Toliara (kilala rin bilang Toliary, [tuliˈar] at dating Tuléar) ay isang lungsod sa Madagascar. Ito ay ang kabisera ng rehiyon ng Atsimo-Andrefana at matatagpuan 936 na kilometro timog-kanluran ng pambansang kabisera ng Antananarivo.
Toliara Tuléar Toliary | |
---|---|
Kabayanan ng Toliara noong 2007 | |
Mga koordinado: 23°21′S 43°40′E / 23.350°S 43.667°E | |
Bansa | Madagascar |
Region | Atsimo-Andrefana |
Lawak | |
• Kabuuan | 16 km2 (6 milya kuwadrado) |
Populasyon (2013) | |
• Kabuuan | 156,710 |
• Kapal | 9,800/km2 (25,000/milya kuwadrado) |
Mayroon itong populasyon na 156,710 katao noong 2013.[1] Sa loob ng huling dalawang dekada, nakaranas ang lungsod ng biglang pagdami ng populasyon dahil sa pagdagsa ng mga buhat ng pook rural na nagdala ng higit sa 200,000 katao sa mga sentrong urbano ng rehiyon.
Ang kasalukuyang pagbaybay ay ipinagtibay noong dekada-1970 upang kumatawan sa ortograpiya ng wikang Malgatse. Maraming mga pangalang pook na binigyan ng Pranses na pagbaybay noong panahong kolonyal ay iniba kasunod ng kalayaan ng bansa noong 1960.
Bilang isang pantalang lungsod, ito ay isang pangunahing sentro ng pag-angkat at pagluwas para sa mga produkto tulad ng sisal, sabon, hemp, bulak, bigas at mani.
Ang katedral ng Toliara ay ang luklukan ng Katolikong Romanong Arkidiyosesis ng Toliara, isa sa limang mga arkidiyosesis sa bansa.
Pinaglilingkuran ang Toliara ng isang paliparan, kung saang may nakatakdang mga lipad patungo rito ang Air Madagascar.
Kasaysayan
baguhinNoong ika-17 dantaon, dumaong ang mga piratang Pranses sa Look ng St. Augustine malapit sa Tropiko ng Kaprikorn at itinatag ang lungsod upang mapanatili ang mga ugnayan pangkomersiyo. Ngunit sa panahong koloniyal, pagkaraan ng taong 1897, lamang nakaranas ang tunay na paglago ng lungsod, kalakip ng mga pagsisikap ni Joseph Gallieni na maglagay ng mga Pranses na pampangasiwaang paglilingkod na dating nakahiwalay sa pulo ng Nosy Ve, upang makabuo ng panrehiyon na kabisera. Lumago ang Tuléar sa kahabaan ng padrong grid ng magka-sangandaang mga karsada, na may malapad na mga abenida at pampublikong mga bantayog.
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Toliara sa isang malawak na pambaybaying-dagat na kapatagan at pinaliligiran ng mga bunton ng buhangin (dunes) at bakawan, malapit sa Tropiko ng Kaprikorn sa Bambang ng Mozambique. Ang isang kalapit na bahurang salubid (barrier reef) ay may habang 18 kilometro at lapad na 3 kilometro. Ang lugar ng dalampasigan ay dinudugtong ng isang dalampasigan sa ilalim ng tubig sa kahabaan ng continental shelf na unti-unting bumababa patungong dagat. Sa hilaga matatagpuan ang Delta Fiherenana.
Klima
baguhinBinansagang "Lungsod ng Araw" ("City of the Sun") ang Toliara dahil sa mainit na klima nito (katamtamang nasa 24.3 °C) at semi-arid (Köppen BSh), na may taunang pag-ulan na kaunti sa 400 mm. Patuloy na binabayo ang lungsod ng isang malakas na hanging humihihip (prevailing winds) na kung tawagin ay Tsio Katimo ("Ang Katimugang Hangin").
Datos ng klima para sa Toliara (Tulear), Madagascar (1961–1990, extremes 1951–kasalukuyan) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 40.2 (104.4) |
39.0 (102.2) |
39.7 (103.5) |
38.5 (101.3) |
37.4 (99.3) |
35.7 (96.3) |
34.5 (94.1) |
37.5 (99.5) |
37.5 (99.5) |
39.5 (103.1) |
37.7 (99.9) |
38.7 (101.7) |
40.2 (104.4) |
Katamtamang taas °S (°P) | 32.2 (90) |
32.3 (90.1) |
32.0 (89.6) |
30.6 (87.1) |
28.6 (83.5) |
26.9 (80.4) |
26.8 (80.2) |
27.7 (81.9) |
28.5 (83.3) |
29.3 (84.7) |
30.3 (86.5) |
31.3 (88.3) |
29.8 (85.6) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 27.5 (81.5) |
27.5 (81.5) |
26.8 (80.2) |
25.0 (77) |
22.7 (72.9) |
20.7 (69.3) |
20.3 (68.5) |
21.0 (69.8) |
22.3 (72.1) |
23.9 (75) |
25.3 (77.5) |
26.6 (79.9) |
24.1 (75.4) |
Katamtamang baba °S (°P) | 22.9 (73.2) |
22.9 (73.2) |
21.9 (71.4) |
19.9 (67.8) |
16.9 (62.4) |
14.8 (58.6) |
14.4 (57.9) |
14.8 (58.6) |
16.2 (61.2) |
18.5 (65.3) |
20.3 (68.5) |
22.1 (71.8) |
18.8 (65.8) |
Sukdulang baba °S (°P) | 14.6 (58.3) |
15.0 (59) |
16.8 (62.2) |
10.0 (50) |
10.2 (50.4) |
4.2 (39.6) |
8.4 (47.1) |
10.0 (50) |
9.0 (48.2) |
11.8 (53.2) |
14.0 (57.2) |
17.0 (62.6) |
4.2 (39.6) |
Katamtamang pag-ulan mm (pulgada) | 94.7 (3.728) |
88.7 (3.492) |
35.9 (1.413) |
17.7 (0.697) |
15.8 (0.622) |
14.9 (0.587) |
6.2 (0.244) |
5.6 (0.22) |
7.8 (0.307) |
11.9 (0.469) |
21.7 (0.854) |
97.0 (3.819) |
417.9 (16.453) |
Araw ng katamtamang pag-ulan (≥ 1.0 mm) | 6 | 6 | 3 | 2 | 2 | 2 | 1 | 1 | 1 | 1 | 2 | 5 | 32 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 77 | 77 | 75 | 76 | 75 | 74 | 74 | 72 | 74 | 75 | 75 | 77 | 75 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 310.7 | 271.9 | 299.9 | 289.4 | 296.4 | 282.5 | 295.3 | 315.4 | 304.4 | 314.3 | 316.2 | 300.6 | 3,597 |
Sanggunian #1: NOAA[2] | |||||||||||||
Sanggunian #2: Deutscher Wetterdienst (humidity, 1951–1980),[3] Meteo Climat (record highs and lows)[4] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Institut National de la Statistique, Antananarivo.
- ↑ "Tulear/Toliara Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Klimatafel von Toliary (Tulear) / Madagaskar" (PDF). Baseline climate means (1961-1990) from stations all over the world (sa wikang Aleman). Deutscher Wetterdienst. Nakuha noong Abril 7, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Station Toliara" (sa wikang Pranses). Meteo Climat. Nakuha noong Abril 7, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhinGabay panlakbay sa Toliara mula sa Wikivoyage