Tomari, Rusya
Ang Tomari (Ruso: Томари) ay isang pambaybaying-dagat na lungsod at sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Tomarinsky sa Sakhalin Oblast, Rusya. Matatagpuan ito sa kanlurang baybaying-dagat ng Pulo ng Sakhalin, sa layong 167 kilometro (104 milya) hilagang-kanluran ng Yuzhno-Sakhalinsk na sentrong pampangasiwaan ng oblast. Ang populasyon nito ay 4,541 katao.[2]
Tomari Томари | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 47°46′N 142°04′E / 47.767°N 142.067°E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Sakhalin Oblast[1] | ||
Distritong administratibo | Tomarinsky District[1] | ||
Itinatag | 1870 | ||
Katayuang lungsod mula noong | 1946 | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Anatoly Degtyaryov | ||
Taas | 20 m (70 tal) | ||
Populasyon (Senso noong 2010)[2] | |||
• Kabuuan | 4,541 | ||
• Kabisera ng | Tomarinsky District[1] | ||
• Urbanong okrug | Tomarinsky Urban Okrug[3] | ||
• Kabisera ng | Tomarinsky Urban Okrug[3] | ||
Sona ng oras | UTC+11 ([4]) | ||
(Mga) kodigong postal[5] | 694820 | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 42446[6] | ||
OKTMO ID | 64748000001 | ||
Websayt | adm-tomari.ru |
Kasaysayan
baguhinAng look kung saang nakatayo ngayon ang lungsod ay binisita ng dalawang mga pragatang Pranses, Boussole at Astrolabe, noong Hulyo 12 at 14, 1787, at pinamunuan ni Lapérouse. Ipinangalan ng mga Pranses ang look bilang Look ng Langle, mula sa kapitan ng Astrolabe. Sa mga panahong iyon, isa lamang itong maliit na kumpol ng mga kubo. Mayroong mabuting ugnayan ang mga Pranses sa mga nakatira na itinuring nilang may lahing Tsino sa nakaraan at inilarawan nilang matalino, makisig, at pandak. Karamihan sa mga nakatira ay nangingisda, nangangaso, at nagpapastol ng hayop. Madalang ang pagsasaka. Madalas na nangangalakal sila sa mga pamayanan sa Ilog Amur sa kalupaan at sa Hapon. Nagbigay si Lapérouse ng madetalyeng paglalarawan ng kaniyang ugnayan sa mga taong ito sa kaniyang akdang Voyage de Laperouse Autour du Monde na inilathala noong 1797.
Itinatag ang makabagong Tomari noong 1870. Kasabay ng nalalabing bahagi ng katimugang Sakhalin, napunta ito sa pamamahalang Hapones sa ilalim ng Kasunduan sa Portsmouth noong 1905 at nanatili ito hanggang sa taong 1945. Sa mga panahong iyon nakilala ito bilang Tomarioru (泊居) na hango sa salitang Ainu na nagngangahulugang nasa look. Bumalik ito sa Unyong Sobyet noong 1945 at ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1946, kasabay ng pagbabago ng pangalan nito sa Tomari.
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1979 | 7,797 | — |
1989 | 8,121 | +4.2% |
2002 | 5,338 | −34.3% |
2010 | 4,541 | −14.9% |
Senso 2010: [2]; Senso 2002: [7]; Senso 1989: [8]; Senso 1979: [9] |
Ekonomiya
baguhinPangunahing mga industriya ay pangingisda, paggawa ng likaw, at pagtotroso. Nalugi ang isang pagawaan ng papel, na siyang pinakamalaking pasilidad pang-industriya sa lungsod, noong kalagitnaan ng dekada-1990. Ang pagbagsak nito ay humantong sa malakihang paglisan ng mamamayan ng lungsod.
Transportasyon
baguhinAng lungsod ay nasa daambakal na nag-uugnay ng Kholmsk sa Ilinskoye.
Mga kapatid na lungsod
baguhinMga sanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Law #25-ZO
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Law #524
- ↑ "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
- ↑ Телефонные коды Сахалина - Dialing codes of Sakhalin (sa Ruso)
- ↑ Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso).
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1979 г. Национальный состав населения по регионам России" [All Union Population Census of 1979. Ethnic composition of the population by regions of Russia] (XLS). Всесоюзная перепись населения 1979 года [All-Union Population Census of 1979] (sa wikang Ruso). 1979 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly (website of the Institute of Demographics of the State University—Higher School of Economics.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)