Si Tony S. Velasquez[1] (namatay: 1997) ay isang artistang tagaguhit ng komiks sa Pilipinas. Siya ang itinuturing na "Ama ng Pilipinong Komiks" o "Ama ng Komiks sa Pilipinas," sapagkat siya ang nagpanimula at nagpaunlad ng sining ng mga serye ng mga larawang-guhit sa bansa.[1]

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Tony Velasquez sa Paco, Maynila. Sumakabilang-buhay siya noong taong 1997.[1]

Larangan

baguhin

Nilikha ni Velasquez ang unang magkakasunod na mga guhit pang-komiks, ang Mga Kabalbalan ni Kenkoy sa magasing Liwayway[2] noong 1928, na naging isang maimpluhong akda. Noong 1947, inilunsad niya ang Pilipino Komiks, ang aklat na may kuwento at mga larawang nagpanimula sa industriya ng komiks sa Pilipinas. Sa ilalim ng pamamahala ng Ace Publications, inilunsad rin niya ang mga komiks na Tagalog Klasiks, Hiwaga Komiks, at Espesyal Komiks. Noong 1962, itinatag naman niya ang Graphic Arts Service, Inc. (GASI) na naglathala ng Pinoy Komiks, Pinoy Klasiks, Aliwan Komiks, Holiday Komiks, Teens Weekly Komiks, at Pioneer Komiks.[1]

Kabilang sa mga inakdaan niyang mga guhit-larawan, na umaabot sa may 300 bilang, ang Kenkoy, Tsikiting Gubat, Talakitok, Talimusak, at Ponyang Halobaybay.[1]

Mga gawa

baguhin

Ilang sa kaniyang mga akdang-guhit ang mga sumusunod:[1]

  • Baby red head
  • Kenkoy vs jejemon
  • Kikong Kang Kong kalabasa
  • Lupang silver
  • Unanong Pandak
  • tonyang
  • Si Kenkoy at ang Kanyang uto uto Kid
  • Si Kenkoy at si bosing

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Tony S. Velasquez, Komiklopedia.com, Oktubre 2, 2007, nakuha noong Agosto 4, 2008
  2. "Tony Velasquez", kasaysayan ng Liwayway, Komiklopedia, The Philippine Komiks Encyclopedia, Komiklopedia.wordpress.com, Abril 2, 2007