Tripoli, Libano

(Idinirekta mula sa Tripoli, Lebanon)

Ang Tripoli (Arabe: طرابلس‎/ALA-LC: Ṭarābulus}}) ay ang pinakamalaking lungsod sa hilagang Libano at ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa bansa. Matatagpuan 85 kilometro (53 mi) hilaga ng kabisera ng Beirut, ito ang kabesera ng Hilagang Gobernasyon at Distrito ng Tripoli. Tinatanaw ng Tripoli ang silangang Dagat Mediteraneo, at ito ang pinakahilagang daungan sa Libano. Ito ay nagtataglay ng isang tali ng apat na maliliit na isla na malayo sa pampang, at sila lamang ang mga isla sa Libano. Ang Kapuluang Palma ay idineklara na isang protektadong pook dahil sa kanilang katayuan na kanlungan para sa mga nanganganib na pagong na loggerhead (Chelona mydas), mga bihirang mongheng poka at peregrinong ibon. Ang Tripoli ay nasa hangganan ng lungsod ng El Mina, ang daungan ng Distrito ng Tripoli, kung saan ito ay heograpikal na pinagsama upang bumuo ng mas malaking kalakhang Tripoli.

Tripoli, Libano

طرابلس
Map
Mga koordinado: 34°26′12″N 35°50′04″E / 34.4367°N 35.8344°E / 34.4367; 35.8344
Bansa Lebanon
LokasyonTripoli, North Governorate, Lebanon
Lawak
 • Kabuuan14 km2 (5 milya kuwadrado)
Populasyon
 • Kabuuan227,857
 • Kapal16,000/km2 (42,000/milya kuwadrado)
Websaythttp://tripoli-lebanon.org/
Ang napapaderan na Nahr Abu Ali sa Tripoli

Ang kasaysayan ng Tripoli ay nagsimula noong ika-14 na siglo BK. Ang lungsod ay kilala sa naglalaman ng Dakilang Masjid ng Mansouri at ang pinakamalaking Krusadang muog sa Libano, ang Muog Raymond de Saint-Gilles, at ito ang may pangalawang pinakamataas na konsentrasyon ng arkitekturang Mamluk pagkatapos ng Cairo.

Sa Mundong Arabe, ang Tripoli ay minsan na kilala bilang Tarabulus al-Sham (Arabe: طرابلس الشام‎) o Lebanteng Tripoli upang maipagkaiba ito mula sa kapangayan sa Libya, na kilala bilang Tripoli-ng-Kanluran (Arabe: طرابلس الغرب‎‎; Ṭarābulus al-Gharb).

Sa pagbuo ng Libano at sa 1948 paghihiwalay ng Siriaco-Libano na unyong adwana, ang Tripoli, na minsan ay katumbas ng kahalagahang pang-ekonomiya at komersiyal sa Beirut, ay naputol mula sa tradisyonal na ugnayang pangkalakalan nito sa looban ng Syria at samakatuwid ay bumaba sa relatibong kasaganaan.[1]

Kasaysayan

baguhin
 
Pangkalahatang-tanawin ng mga makasaysayang distrito sa Tripoli

Ang katibayan ng paninirahan sa Tripoli ay nagsimula noong 1400 BK. Noong ika-9 na siglo, ang mga Penisyo ay nagtatag ng isang estasyon pangkalakalan sa Tripoli at nang maglaon, sa ilalim ng pamamahala ng Persia, ang lungsod ay naging sentro ng isang kompederasyon ng mga Penisyong lungsod-estado ng Sidon, Tiro, at Pulo ng Arados. Sa ilalim ng Elenistikong pamumuno, ang Tripoli ay ginamit bilang isang daungang panghukbong-dagat at ang lungsod ay nagkaroon ng panahon ng awtonomiya. Dumating ito sa ilalim ng pamumuno ng mga Romano noong bandang 64 BK. Ang lindol sa Beirut noong 551 at tsunami ay sumira sa Bisantinong lungsod ng Tripoli kasama ang iba pang Mediteraneong lungsod sa baybayin.

Mga sanggunian

baguhin
baguhin
  • Opisyal na website ng Tripoli (sa Arabe)
  • Tripoli sa Twitter
  • tripoli-lebanon.org Naka-arkibo 2020-11-02 sa Wayback Machine.
  • Tripoli-Lebanon.com Naka-arkibo 2009-09-13 sa Wayback Machine.
  • Tripoli fortress at Panorama ng lungsod sa 360 noong Mayo 2012
  •  "Tripoli". Islamic Cultural Heritage Database. Istanbul: Organisation of Islamic Cooperation, Research Centre for Islamic History, Art and Culture. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  •  ArchNet.org. "Tripoli". Cambridge, Massachusetts, USA: MIT School of Architecture and Planning. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)