Ang Trollhättan (Suwekong pagbigkas: [trɔlˈhɛtːan]  ( pakinggan)) ay isang lungsod at luklukan ng Bayan ng Trollhättan, Lalawigan ng Västra Götaland, Suwesya na may 46,457 mamamayan noong 2010.[1] Ito ay matatagpuan 75 km hilaga ng Gotemburgo, ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Suwesya.

Trollhättan
Ang Ilog Göta älv at Moog-pantubig ng Trollhättan sa lundayan ng Trollhättan
Ang Ilog Göta älv at Moog-pantubig ng Trollhättan sa lundayan ng Trollhättan
Trollhättan is located in Västra Götaland
Trollhättan
Trollhättan
Trollhättan is located in Sweden
Trollhättan
Trollhättan
Mga koordinado: 58°16′58″N 12°17′21″E / 58.28278°N 12.28917°E / 58.28278; 12.28917
BansaSuwesya
Lalawigan (sinauna)Västergötland
LalawiganLalawigan ng Västra Götaland
BayanBayan ng Trollhättan
Lawak
 • Kabuuan23.78 km2 (9.18 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Disyembre 31, 2010)[1]
 • Kabuuan46,457
 • Kapal1,954/km2 (5,060/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (OGE)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (OTGE)
Websayttrollhattan.se

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang Trollhättan sa Ilog Göta älv sa may Talon ng Trollhättan. Ito ay unang nabanggit sa mga panitikan noong 1413. Sa mahabang dantaon, ang Trollhättan ay isang hadlang sa mga daong na naglalakbay sa ilog, hanggang isang tarangkahang pantubig ang itinayo noong ika-19 na dantaon. Maraming mga pangyayaring ito ay binago hanggang ito ay matapos sa kasalukuyan nitong anyo noong 1916.

Sa katapusan ng ika-19 na dantaon, naitayo ang isang dagitab-tubig sa Trollhättan. Ipinangalan ng maypagawa sa kusog na Vattenfall ("talon") mula sa mga talon ng Trollhättan. Sa kasalukuyan, mayroong dalawang gumaganang mga himpilang dagitab-tubig: ang Olidan at Håjum. Ang dagitab-tubig ay nakatulong sa himagsikang kalalangan ng lungsod.

Napagkalooban ng karapatang pambayan (na sa kasalukuyan ay wala nang kahalagahang pambatas) ang Trollhättan noong 1916 kung kailan ito ay may tinatayang 15,000 mamamayan. Sa kasalukuyan, ito ay may tinatayang santauhan na 54,000.

Palamuhatan

baguhin

Ang pangalan ng Trollhättan ay nangangahulugang "bunete ng halimaw". Ang huling baybay na "hätta" ay maaari ring pakahulugan bilang tuktok ng bundok.

Ang iba pang mga dating katawagan ay Eiðar at Stora Edet; kung saan ang huli ay ang pinagmulan ng karatig nitong bayan sa timog, ang Lilla Edet.

Palakasan

baguhin

Matatagpuan sa Trollhättan ang mga sumusunod na kapisanang pampalakasan:

Pangyayari

baguhin

Pinagdausan ang Trollhättan ng Pandaigdigang Kampeonato ng Bandy ng 2017 sa Pangkat B..[2]

Kalalang

baguhin
 
Isang pandikit sa durungawan ng sasakyang Saab.

Dito dati matatagpuan ang pununghimpilan at pangunahing pagawaan ng Saab Automobile, na sa kasalukuyan ito ay naging pununghimpilan at pagawaan na ng Pambansang Sasakyang Dagitabin ng Suwesya

Matatagpuan din dito ang maraming mga pagawaang kalalangin tulad ng GKN Aerospace (na dating kilala bilang Volvo Aero) at ng mga tagatustos nito. Katulad ng sa ibang dako ng Europa, napalitan ang karamihan ng mga pagawaan ng malalaking kalalang ng mga paglilingkod kabihasaan at ang paglikha ng mga karapatang-ari.

Noong 2011, itinayo ang Trollywood na isang pook kung saan ginagawa ang mga pelikula, kabilang sa mga ito ang Show Me Love (Fucking Åmål), Dancer in the Dark, Melancholia, Dogville at ang mga tagpong pang-istudyo ng Lilya 4-ever. Narito rin ang Film i Väst, isang istudyong pampelikula na siyang naglalabas ng halos kalahati ng pelikulang Suweko.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Tätorternas landareal, folkmängd och invånare per km2 2005 och 2010" (sa wikang Suweko). Palaulatang Suweko. Disyembre 14, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 10, 2012. Nakuha noong Enero 10, 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Pandaigdigang Kampeonato ng Bandy ng 2017". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-17. Nakuha noong 2019-08-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

baguhin