Trompilyo
(Idinirekta mula sa Trompillo)
Ang Trompilyo o Catherine wheel ay isang uri ng pailaw na binubuo ng tubong pilipit o isang naka-anggulong kwitis at nakakabit sa isang panuksok sa gitna nito. Kapag sinindihan, iikot ito ng mabilis at magpapakita ng mga kislap at may kulay na apoy. Pinangalan ang paputok kay Santa Katarina ng Alexandria na, sang-ayon sa alamat Kristiyano, ay sinumpa sa kamatayan sa pamamagitan ng kagamitang pagpahirap na breaking wheel. Nang hawakan ni Santa Katerina ang wheel o gulong, milagroso ito lumipad ng pira-piraso.
Sa Pilipinas, isa ang trompillo sa mga paputok na nasaad sa Batas Republika Blg. 7183 bilang legal na paputok.[1][2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "REPUBLIC ACT NO. 7183". chanrobles.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Roxas, Joseph Tristan (Nobyembre 29, 2016). "PNP bares list of legal firecrackers, pyrotechnics for holiday revelry". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)