Tsaang gubat
Ang tsaang gubat (Ehretia microphylla o Carmona retusa) ay isang espesye ng halamang namumulaklak sa pamilya ng Boraginaceae. Isa itong palumpong na maaring tumaas hanggang limang metro. Ang mga dahon nito ay kadalasang nasa 10-50 milimetro ang haba at 5-30 milimetro ang lapad at maaaring magkakaiba ang laki, yari, kulay at gilid. Mayroon itong mga maliliit na mga bulaklak na may 8-10 milimetro ang diametro na may 4-5 maumbok na talutot at mga drupe na 4-6 milimetro ang diametro, na nahihinog sa kulay mala-kayumangging kahel.[2][3]
Tsaang gubat | |
---|---|
Bulaklang, prutas at dahon | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Boraginales |
Pamilya: | Boraginaceae |
Sari: | Carmona |
Espesye: | C. retusa
|
Pangalang binomial | |
Carmona retusa | |
Kasingkahulugan | |
|
Sa Pilipinas, isa sa sampung halamang-gamot na inirerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas ang tsaang gubat dahil sa kakayahan nitong gamutin ang mga sakit may kaugnayan sa mga balat.[4] Dahil sa bisa ng halamang-gamot na ito, ang tsaang gubat ay rehistrado sa Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot ng Pilipinas bilang isang lehitimong halamang gamot.[5] Ginagamit din ito para panggamot sa ubo, apad, pagtatae at pag-iiti.[3] Sikat din ang halamang ito sa Penjing sa Tsina.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Masamune (1940).
- ↑ Flora of Australia Online.
- ↑ 3.0 3.1 Starr et al. (2003).
- ↑ Pamintuan, Ana Marie (Disyembre 29, 2014). "Local cures". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 15, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Carmona Retusa (Vahl.) Masam (Tsaang Gubat Leaf) -Gastropan". fda.gov.ph (sa wikang Ingles). Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot. Nakuha noong Pebrero 15, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]