Tubig-rosas

tubig na pinalasa ng rosas

Ang tubig-rosas ay pinalasang tubig na nagagawa sa paglugom o pagbabad ng mga talulot ng rosas sa tubig.[1] Ito ang bahaging hidrosol ng destilado ng talulot ng rosas, isang gulgol ng produksiyon ng langis ng rosas para magamit sa pabango. Ginagamit din ang tubig-rosas bilang pampalasa ng pagkain, bilang sangkap sa kosmetika at medisina, at para sa mga layuning panrelihiyon sa buong Eurasya.

Tubig-rosas
Mga bote ng tubig-rosas at mga talulot ng rosas
UriPinalasang tubig
LugarIran (Sinaunang Persiya)
Rehiyon o bansaAsya at Europa
Pangunahing SangkapTalulot ng rosas
Karagdagang SangkapTubig

Ang Gitnang Iran ay tahanan ng taunang pistang Golabgiri tuwing tagsibol. Libu-libong turista ang bumibisita sa lugar upang ipagdiwang ang pag-aani ng rosas para sa produksyon ng tubig-rosas.[2][3] Iran ang pinagmumulan ng 90% ng produksiyon ng tubig-rosas sa mundo.[4]

Kasaysayan

baguhin
 
Ika-12 siglong bote ng tubig-rosas mula sa Iran (pilak na may ginto at niyelado, Freer Art Gallery)

Mula noong sinaunang panahon, ginagamit ang mga rosas sa panggamot, nutrisyon, at pinagkukunan ng pabango.[2]

Ang mga pabangong rosas ay gawa sa langis ng rosas, na tinatawag ding attar ng mga rosas, na isang timpla ng mga bolatil na langis-esensiyal na nakuha sa pagdedestila ng mga dinurog na talulot ng rosas sa singaw. Isang gulgol nitong proseso ang tubig-rosas.[5] Bago ang pagbuo ng pamamaraan ng pagdedestila ng tubig-rosas, ginamit na ang mga talulot ng rosas sa lutuing Persa bilang pampabango at bilang pampalasa sa mga putahe.[6] Malamang na nagmula ang tubig-rosas sa Persiya,[6][7][8] kung saan kilala ito sa katawagang gulāb (گلاب), mula sa gul (گل rosas) at ab (آب tubig). Sa Griyegong Medyebal, inangkin bilang zoulápin ang katawagan.[9]

Pinino ng mga kimikong Arabe at Persa sa medyebal na mundong Islam ang proseso ng paggawa ng tubig-rosas sa pamamagitan ng pagdedestila sa singaw, na humantong sa mas mahusay at ekonomikong paggamit para sa mga industriya ng pabango.[10]

Paggamit

baguhin

Pagkain

baguhin

Minsan idinaragdag ang tubig-rosas sa limonada. Idinaragdag din ito sa tubig upang itago ang mga di-kanais-nais na amoy at lasa.[11]

Sa mga lutuin sa Gitnang Silangan, isinasangkap ang tubig-rosas sa iba't ibang putahe, lalo na sa mga kumpites tulad ng delikasing Turko,[1] nugat, at baklava. Sa Tsipre, pampalasa ang tubig-rosas para sa ilang panghimagas, kabilang dito ang Tsipreng bersiyon ng muhallebi.[12]

Komestika

baguhin

Sa Europa noong panahong medyebal, ipinanhugas ang tubig-rosas ng kamay sa hapag-kainan tuwing mga pista.[13] Kadalasang ginagamit ang tubig-rosas sa mga pabango.[14] Paminsan-minsan, ginagamit ang ungguwentong de-tubig-rosas bilang pampalambot, at minsan ginagamit ang tubig-rosas sa mga kosmetika tulad ng mga malamig na krema, mga toner at mga panghugas ng mukha.[14]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Rosewater recipes" [Mga resipi ng tubig-rosas]. BBC Food (sa wikang Ingles).
  2. 2.0 2.1 "GOLĀB". Encyclopaedia Iranica (sa wikang Ingles). Bol. XI (ika-online (na) edisyon). Encyclopaedia Iranica Foundation. 2012. pp. 58–59. ISSN 2330-4804. Nakuha noong 24 Marso 2021.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Rosewater festivals draw visitors to central Iran" [Mga pista ng tubig-rosas, nakakaakit ng mga bisita papunta sa gitnang Iran]. Tehran Times (sa wikang Ingles). 3 Mayo 2018. Nakuha noong 1 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Iran Meets 90% of Global Rosewater Demand" [Iran, Tinugunan Ang 90% ng Demand ng Mundo para sa Tubig-rosas]. Financial Tribune (sa wikang Ingles). 15 Hunyo 2019. Nakuha noong 16 Abril 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Adamson, Melitta Weiss (2004-01-01). Food in Medieval Times [Mga Pagkain sa Panahong Medyebal] (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing. p. 29. ISBN 9780313321474.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Adamson, Melitta Weiss (2004). Food in Medieval Times [Mga Pagkain sa Panahong Medyebal] (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing Group. p. 29. ISBN 978-0-313-32147-4. Ginamit na ang mga talulot ng rosas sa lutuing Persa upang pabanguhin at bigyan ng lasa matagal pa bago nabuo ang pamamaraan ng pagdestila ng tubig-rosas. Ang taong karaniwang kinikilala sa pagkatuklas ng tubig-rosas ay ang ika-sampung siglong Persang manggagamot na si Avicenna. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Marks, Gil (2010). Encyclopedia of Jewish Food. HMH. p. 791. ISBN 978-0-544-18631-6. Noong 800 CE, ang Arabeng iskolar na si Jabir ibn Hayyan ay nag-imbento at nagpabuti ng destilador. Makalipas ang mga dalawang siglo, natuklasan ng manggagamot na ipinanganak sa Bukharan na si ibn Sina (980-1037), na may latinisadong pangalan na Avicenna, kung paano gamitin ang destilador upang kunin ang mahahalagang langis mula sa mga talulot ng bulaklak. Nagbigay-daan ito sa pagdedestila ng mga tubig-bulaklak sa singaw, lalo na ang tubig-rosas. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Boskabady, Mohammad Hossein; Shafei, Mohammad Naser; Saberi, Zahra; Amini, Somayeh (2011). "Pharmacological Effects of Rosa Damascena". Iranian Journal of Basic Medical Sciences. 14 (4): 295–307. ISSN 2008-3866. PMC 3586833. PMID 23493250. Ang pinagmulan ng rosas Damask ay ang Gitnang Silangan at nagpapahiwatig ang ilang mga ebidensya na Iran ang pinagmulan ng tubig-rosas. (Isinalin mula sa Ingles){{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Tubig-rosas sa Encyclopædia Iranica (sa Ingles)
  10. Ahmad Y. al-Hassan, Transfer Of Islamic Technology To The West, Part III: Technology Transfer in the Chemical Industries Naka-arkibo 2015-12-29 sa Wayback Machine. [Ang Pagsalin ng Teknolohiyang Islam sa Kanluran, Ika-3 Bahagi: Pagsalin ng Teknolohiya sa Mga Industriya ng Kemikal] (sa wikang Ingles). "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-29. Nakuha noong 2024-11-09.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link), History of Science and Technology in Islam.
  11. "All About Rose And Rose Water | how to use | health benefits" [Lahat Tungkol sa Rosas at Tubig-Rosas | paano gamitin | benipisyo sa kalusugan]. iran dried fruit (sa wikang Ingles). 2019-12-19. Nakuha noong 2023-12-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Rodostagma - Rosewater". Heartland of Legends. 17 Pebrero 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Adamson, Melitta Weiss (2004). Food in Medieval Times By Melitta Weiss Adamson ["Pagkain sa Panahong Medyebal" Ni Melitta Weiss Adamson] (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing. ISBN 9780313321474. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-10-31. Nakuha noong 2017-02-11.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Rose water: Benefits, uses, and side effects" [Tubig-rosas: Mga benepisyo, gamit, at masasamang epekto]. Medical News Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)