Tubo (pagtutuos)
(Idinirekta mula sa Tubo (akawnting))
Sa akawnting, ang tubo, kita, o kinita (Ingles: profit) ang pagkakaiba sa pagitan ng mga presyo ng pagbili at ang mga gastos ng mga inihatid na mga kalakal.
Kahulugan
baguhinMay ilang mga mahalagang sukat na karaniwang ginagamit:
- Ang Kabuuang tubo (Gross profit) ay katumbas ng kita (revenue) ng benta na binawasan ng gastos ng mga binentang kalakal (cost of goods sold o COGS) kaya ay nag-aalis lamang ng bahagi ng mga gastos na mababakas ng direkta sa produksiyon o pagbili ng mga kalakal. Ang kabuuang tubo ay kinabibilangan ng mga pangkalahatang gastos tulad ng R&D, S&M, G&A, interes ng gastos, mga buwis at mga ekstraordinaryong item.
- Ang Mga kita bago ang interest, mga buwis, depresiasyon at amortisasyon (Earnings Before Interest, Taxes, Depreciation, and Amortization o EBITDA) ay katumbas ng mga kita ng mga benta na binawasan ng gastos ng mga kalakal na ibinenta at ang lahat ng mga gastos maliban sa interes, amortisasyon, depresiasyon at mga buwis. Ito ay sumusukat sa kitang cash na magagamit upang bayaran ang interes at muling bayaran ang prinsipal. Dahil ang interes ay binabayaran bago kwentahin ang buwis ng sahod, ang may hawak ng utang ay pwedeng hindi pumansin sa mga buwis.
- Ang mga kita bago ang interes at mga buwis (Earnings Before Interest and Taxes [EBIT] o Operating Profit) ay katumbas ng kita ng mga benta na binawasan ng gastos ng mga kalakal na naibenta at lahat ng mga gastos maliban sa interes at mga buwis. Ito ang surplus na nalikha ng mga operasyon at kilala rin bilang Operating Profit Before Interest at Taxes (OPBIT) o simpleng Profit Before Interest and Taxes (PBIT).
- Ang tubo bago ang buwis (Profit Before Tax o EBT o Net Profit Before Tax) ay katumbas ng kita ng mga benta na binawasan ng gastos ng mga kalakal na naibenta at lahat ng mga gastos maliban sa mga buwis. Ito ay kilala rin bilang pre-tax book income (PTBI), net operating income before taxes o simpleng pre-tax Income.
- Ang Mga kita pagkatapos ng buwis (Earnings After Tax o Net Profit After Tax) ay katumbas ng kita ng mga benta pagkatapos bawasan ng lahat ng mga gastos kabilang ang mga buwis. Sa Estados Unidos, ang terminong Net Income ay karaniwang ginagamit. Ang kita bago ang ekstraordinaryong mga gasots ay kumakatawan sa pareho ngunit bago isaayos ang mga ekstraordinaryong item.
- Ang mga kita pagkatapos ng buwis (Earnings After Tax o Net Profit After Tax) na binawasan ng babayarang mga dibidende ay nagiging napanatiling mga kita.