Ramayana
Ang Ramayana[1], o "ang salaysay ukol kay Raghava Rama" o "ang mga ginawa ni Rama"[2] (marami pang ibang pangalang may karugtong na Rama, isang pamagat ng tao), ay isa sa dalawang pinakamahalaga at dakilang tulang epiko ng sinaunang India[2], bukod sa Mahabharata. Unang isinulat sa wikang Sanskrit – isang maagang wika sa Indiya – ng isang paham, o rishi, na si Valmiki noong mga 300 BK.[2] Naglalaman ang aklat ng mga 96,000 taludtod at nahahati sa pitong mga bahagi. Tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama ang patulang salaysaying ito, na umalis mula sa Ayodha – ang kabisera ng kanyang kaharian ng Oudh sa hilagaing Indiya[2] – para hanapin ang kaniyang asawang si Sita na dinukot ni haring Ravana, isang dimonyo. Ibig ng bayaning-diyos na si Ramang sagipin si Sita mula kay Ravana. Nagtagumpay si Rama sa pamamagitan ng pagtulong ng hari at hukbo ng mga unggoy. Bagaman nasa kalahati lamang ng haba, at hindi kasingsigla, ng Mahabharata ang Ramayana, isa pa rin ito sa mga pinakakilala at pinakahinahangaang mga mahabang tula. Maraming ganitong mga uri ng salaysayin ang nalalaman ng mga taong Hindu, anuman ang kanilang mga pananaw.[1] Maraming lumabas na mga bersiyon ang aklat, at naisalinwika sa lahat ng mga pangunahing wika ng mundo.
Bahagi ng serye ukol sa |
Rigveda · Yajurveda · Samaveda · Atharvaveda |
Aitareya · Brihadaranyaka · Isha · Taittiriya · Chandogya · Kena · Mundaka · Mandukya · Katha · Prashna · Shvetashvatara |
Smriti · Śruti · Bhagavad Gita · Purana · Agama · Darshana · Pancharatra · Tantra · Akilathirattu · Sūtra · Stotra · Dharmashastra · Divya Prabandha · Tevaram · Ramacharitamanas · Shikshapatri · Vachanamrut · Ananda Sutram |
Kahalagahan at panahon ng pagsulat
baguhinMaraming sari-saring mga pananaw hinggil sa panahon ng pagkakasulat ng Ramayana. May ilang mga taong naniniwalang naisulat ito noong 2,500 mga taon na ang nakalilipas, ngunit may ilang nagsasabing isinulat ito noong mga 1,800 taon lamang ang nakararaan. Sumasang-ayon naman ang lahat na napakatanda na ng aklat at kinatha bago ang Mahabharata. Bantog pa rin magpahanggang-ngayon ang Ramayana. Tuwing taglagas, isinasagawa ang ang dulang Rama, ang Ramlila, sa kapistahan ng Dassehra. Ipinapakita rito ang isang malaking wangis ni Ravana, na sumasagisag sa pagtatagumpay ng liwanag laban sa kadiliman.
Salaysay
baguhinPinaniniwalang si Raghava Rama ay ang diyos na si Vishnu, na nagkatawang tao at pumunta sa mundo upang sagipin ang daigdig mula sa kasamaan. Naglalahad ang pitong aklat ng Ramayana ng kuwento ni Rama: kung paano niya nakamit ang "kamay ni Sita" o ang pag-ibig ni Sita na isang anak na babae ng isa pang hari sa pamamagitan ng isang patimpalak. Noong una, naging maligaya sina Rama at Sita, ngunit napaalis si Rama mula sa kanyang kaharian at napilitang mamuhay sa isang gubat, kasama si Sita at si Lakshamanan, isang lalaking kapatid sa magulang ni Rama. Habang nasa gubat sila, tinangay ng dimonyong-haring si Ravana ng Lanka si Sita patungo sa kanyang sariling kaharian. Nagawang maibalik nina Rama at Lakshamanan si Sita sa pamamagitan ng tulong ni Sugriva, ang hari ng mga unggoy, at ng heneral nitong si Hanuman. Nagbalik sina Rama at Sita sa kanilang kaharian ng Oudh. Muling naging hari si Rama.[2]
Ibang mga bersiyon
baguhinMayroon isang bersiyong Tamil ang aklat na nasulat sa pagitan ng ika-9 at ika-10 daantaon, na isinulat ng manunulat na si Kamban. Kilala ang Ramayanang Tamil na ito bilang Iramavataram o "ang pagdating ni Rama." Noong ika-16 daantaon, sumulat ang manunulat na si Tulasidas ng bersiyong Hindu ng Ramayana at tinawag na Ramacharitmanasa. Sa loob ng maraming mga daantaon, nakarating ang salaysay ukol kay Rama sa ibang mga bansa, katulad ng Indonesia at Malaysia.
Mga bahagi
baguhinTinatawag na mga aklat ang iba't ibang bahagi ng Ramayana. Nakatala sa ibaba ang pitong aklat na ito:
1 | Balakand | Aklat ng pagkabata o kabataan. |
2 | Ayodhyakanda | Aklat ni Ayodhya. |
3 | Aranyakanda | Aklat ng mga kagubatan. |
4 | Kishkindhakanda | Aklat ni Kishkindha. |
5 | Sundarakanda | Ang aklat na maganda. |
6 | Yuddhakanda | Ang aklat ng digmaan. |
7 | Uttarkanda | Ang huling aklat. |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Ramayana, Concerning Rama, Holy Writings, Indian Literature,". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who is the Hero of the Ramayana?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 73.