Two-Face
Si Two-Face (Harvey Dent) ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa komiks na nilalathala ng DC Comics, na karaniwang kalaban ng superhero na si Batman. Nilikha ang karakter nina Bob Kane at Bill Finger, at unang lumabas sa Detective Comics #66 (Agosto 1942).[1] Bilang isa sa mga nanatiling kalaban ni Batman, kabilang si Two-Face sa mga koleksyon ng mga kalaban ni Batman na tinatawag na rogues gallery (tanghalan ng mga tampalasan).
Naging Distritong Abogado ng Lungsod ng Gotham, si Harvey Dent ay may pangit na peklat sa kaliwang banda ng kanyang mukha na nilkha pagkatapos sabuyin siya ng asidong kimikal ng pinuno ng gang (o mob boss) na si Sal Maroni noong nililitis siya sa isang korte. Sa bandang huli, nabaliw siya at kinuha ang katauhang "Two-Face," na naging isang kriminal na nahuhumaling sa bilang na dalawa, ang konsepto ng dualidad at ang salungatan ng mabuti at masama. Sa pakaraan ng panahon, isinilarawan ng mga manunulat si Two-Face bilang nahuhumaling sa pagkakataon at kapalaran bilang resulta ng schizophrenia, karamdamang bipolar, at dissociative identity disorder. Nahuhumaling siyang gawin ang lahat ng mga mahalagang pasya sa pamamagitan ng pagpitik ng kanyang dating masuwerteng gayuma (o lucky charm), isang dalawang mukhang barya na nasira sa isang panig ng asido. Nailarawan ang makabagong bersyon bilang personal na kaibigan at kakampi nina James Gordon at Batman, lalo na ang isang napakalapit na pagkakaibigan sa sekretong identidad ni Batman, si Bruce Wayne.[2]
Naitampok ang karakter sa iba't ibang adaptasyong medya, tulad ng itinampok na pelikula, seryeng pantelebisyon at larong bidyo. Ang mga indibidiwal na nasa likod ng boses ni Two-Face ay sina Richard Moll sa DC animated universe, Troy Baker sa seryeng Batman: Arkham, Billy Dee Williams sa The Lego Batman Movie, at William Shatner sa Batman vs. Two-Face. Sa totoong-tao o live-action na pagganap, ang mga gumanap ay sina Billy Dee Williams sa Batman (bilang ang hindi pa nasabuyang na asidong Harvey Dent lamang), Tommy Lee Jones sa Batman Forever, Aaron Eckhart sa The Dark Knight, at Nicholas D'Agosto sa seryeng pantelebisyon na Gotham. Noong 2009, nakaranggo si Two-Face sa ika-12 sa tala ng IGN na Pinakamataas na 100 na Kontrabida sa Komiks sa Lahat ng Panahon.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Detective Comics #66 (Agosto 1942) (sa Ingles)
- ↑ "Meet The Criminal Two-Face!" (sa wikang Ingles). DC Comics. Mayo 19, 2015. Nakuha noong Agosto 11, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Two-Face is Number 12" (sa wikang Ingles). Comics.ign.com. Nakuha noong Disyembre 29, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)