Ugnayang pang-ekolohiya
Ang ugnayang pang-ekolohiya ay isang relasyon ng mga organismo sa isang ekosistema. Ang lahat ng mga organismo sa isang ekosistema ay konektado. Ang bawat interaksyon ay nakabatay sa interaksyong nauna rito. Ang bawat populasyon ay nakikipag-ugnayan sa isa't isa sa loob ng isang komplikadong network ng ugnayan. Ang mga ugnayang pang-ekolohiya ay mas nakakatulong mailarawan kung papaano silang lahat konektado.
Mayroong anim na ugnayang pang-ekolohiya, ang dalawa rito ay salungat at ang apat dito ay simbiyotiko. Ang ugnayang salungat ay predasyon at kompetisyon. Ang ugnayang simbiyotiko ay ang mutualismo (halimbawa: bulaklak at paru-paro), kommensalismo (halimbawa: clown fish at anemone), amensalismo (halimbawa: amag at tinapay) at parasitismo (halimbawa: aso at garapata).
Ang ugnayang pang-ekolohiya ng isang organismo ay nakadepende sa kung papaano ito naka-angkop sa kanyang pangkapaligirang mga presyon batay sa ebolusyon.