Unibersidad ng Basel
Ang Unibersidad ng Basel (Ingles: University of Basel, Aleman: Universitat Basel) ay matatagpuan sa Basel, Switzerland. Itinatag noong Abril 4, 1460, ito ay ang pinakamatandang unibersidad sa Suwisa at isa sa mga pinakamatandang umiiral na unibersidad sa buong mundo. Ang unibersidad ay tradisyonal na nabibilang sa mga nangungunang institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa bansa.
Sa higit 500 taon nitong kasaysayan, ang unibersidad ay naging tahanan nina Desiderius Erasmus, Paracelsus, Daniel Bernoulli, Leonhard Euler, Jacob Burckhardt, Friedrich Nietzsche, Tadeusz Reichstein, Karl Jaspers, Carl Gustav Jung, Karl Barth, at Jeanne Hersch. Ang institusyon ay nauugnay sa siyam na nagwagi ng Nobel prize at dalawang Pangulo ng Kompederasyon ng Suwisa.
47°33′31″N 7°35′00″E / 47.55852°N 7.58346°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.