Unibersidad ng Bolonia

(Idinirekta mula sa Unibersidad ng Bologna)

Ang Unibersidad ng Bologna (InglesUniversity of BolognaItalyano: Università di Bologna, UNIBO), na itinatag noon pang AD 1088, ay ang pinakamatandang unibersidad na may tuloy-tuloy na operasyon sa buong mundo,[1] at kinikilala bilang isa sa mga nangungunang akademikong institusyon sa Italya at Europa[2]. Ito ay madalas na nararanggo bilang nangungunang pamantasang Italyano.[3][4]

Kampus

Ito ang kauna-unahang lugar ng pag-aaral na gumamit ng terminong Latin na universitas para tukuyin ang korporasyon ng mga mag-aaral at "master", na sa lumaon ay ginamit na depinisyon sa institusyong ito na matatagpuan sa lungsod ng Bologna, Italya.[5] Ang sagisag ng Unibersidad ay merong motto na Alma mater studiorum at ng petsang A.D. 1088, at ito ay merong humigit-kumulang 85,500 mag-aaral sa 11 paaralan nito.[6] Ito ay may mga kampus din sa mga lungsod ng Ravenna, Forlì, Cesena at Rimini at isang branch center sa ibang bansa gaya sa Buenos Aires.[7] Ito rin ay may isang paaralan ng kahusayan (school of excellence) na may pangalang Collegio Superiore di Bologna. Ang kawaksing pabliser ng Unibersidad ng Bologna ang Bononia University Press S.p.A. (BUP).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nuria Sanz, Sjur Bergan: "The heritage of European universities", 2nd edition, Higher Education Series No. 7, Council of Europe, 2006, ISBN, p. 136
  2. "Censis, la classifica delle università: Bologna ancora prima".
  3. Alma Mater superstar: stacca le concorrenti tra le mega università, by Ilaria Venturi.
  4. http://www.webometrics.info/en/Ranking_Europe
  5. Nove secoli di storia - Università di Bologna
  6. "Schools". University of Bologna. Nakuha noong 22 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Campuses and Structures". University of Bologna. Nakuha noong 22 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

44°29′38″N 11°20′34″E / 44.493888888889°N 11.342777777778°E / 44.493888888889; 11.342777777778   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.